(Kasado na ngayong Martes)P2.20/L TAPYAS SA PRESYO NG DIESEL

OIL PRICE HIKE-2

PANIBAGONG oil price rollback ang sasalubong sa mga motorisra ngayong Martes.

Ito na ang ikalawang sunod na linggo na may tapyas sa presyo ng petrolyo.

Sa abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., ang presyo ng kada litro ng diesel ay bababa ng P2.20 at kerosene ng P2.50, habang walang paggalaw sa presyo ng gasolina.

Epektibo ang bawas-presyo alas-6 ng umaga.

Noong nakaraang Martes, Pebrero 7, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P2.10, diesel ng P3, at kerosene ng P2.30.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang February 7, 2023, ang year-to-date net increases ay nasa P5.10 kada litro para sa gasolina, P0.05 kada litro sa diesel, at P2.25 kada litro para sa kerosene.