ISASAGAWA ng pamahalaan ang third leg ng tourism job fair nito sa susunod na buwan, ayon sa Department of Tourism (DOT).
Wala pang ibinigay na tiyak na petsa ang DOT ngunit sinabing makakaalinsabay nito ang ika-50 anibersaryo ng ahensiya sa Mayo 11.
Hanggang nitong Abril 6, ang Trabaho, Turismo, Asenso fair ng DOT at ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay nakapag-alok na ng pinagsamang 16,485 employment opportunities sa mga job seeker.
Sa second leg, mahigit sa 8,185 tourism jobs sa Central Luzon, Western Visayas, at Northern Mindanao regions ang binuksan sa fair.
Isinagawa sa iba’t ibang lugar, ang Central Luzon ay nagdaos ng job fair sa Robinsons Starmills sa San Fernando City, Pampanga province; Western Visayas sa Robinsons Jaro sa Iloilo City; at Northern Mindanao sa Limketkai Mall sa Cagayan de Oro City.
Kumpiyansa si Frasco na ang inisyatiba ay makatutulong sa pagbangon ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagtugon sa mga pangangailangan ng employers dahil ang tinatawag na revenge travel ay nagdadala ng maraming turista sa bansa.
“In line with the pronouncement of President Ferdinand Marcos, Jr. for the tourism industry to become an engine of employment generation, the Department of Tourism will continue to empower our tourism workforce by giving them access to jobs that will match their skills,” sabi ni Frasco.
“Such is the innate characteristic of the tourism industry, its multiplier effect across various sectors can support job creation which is exactly what we wish to achieve as we eye to exceed our targets for this year. The more visitors we have, the more jobs we will create for our fellow Filipinos,” dagdag pa niya.
Ang DOT-DOLE job fair ay pinormalisa sa pamamagitan ng isang memorandum of agreement sa pagitan nina Frasco at Labor Secretary Bienvenido Laguesma noong Agosto 2022. PNA