(Kasado na sa Nob. 19 at 20) SPECIAL JOB FAIR PARA SA POGO WORKERS

ISA pang special job fair para sa Philippine offshore gaming operators (POGO) workers na inaasahang mawawalan ng trabaho ang nakatakdang isagawa ngayong buwan sa Pasay City, ayon sa Department of Labor and Employment-National Capital Region (DOLE-NCR).

Sa isang post sa social media, sinabi ng DOLE-NCR na ang two-day event ay gaganapin sa Nob. 19 at 20, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon, sa SM Mall of Asia (MOA) Music Hall.

“There will be another DOLE job fair meant for POGO workers affected (by the ban),” ayon sa ahensiya.

Ang mga interesado ay pinapayuhang mag-pre-register online via https://tinyurl.com/projectdapat.

Hinihikayat din ang mga jobseeker na maghanda ng pre-employment documents, kabilang ang kanilang resumes.

“Do not miss this opportunity as you could be the next one to get hired-on-the-spot (HOTS),” ayon sa DOLE-NCR.

Noong nakaraang buwan ay nagsagawa ang DOLE ng magkakasabay na special job fairs sa Parañaque City at Makati City, kung saan 13,744 trabaho ang inalok ng 108 employers.

May kabuuang 340 workers ang nagparehistro sa event, kung saan 33 jobseekers ang hired on the spot
Ang pagdaraos ng special POGO job fairs ay alinsunod sa direktiba sa DOLE na humanap ng employment opportunities para sa mga Pilipino na mawawalan ng trabaho dahil sa ban sa POGOs na ipinag-utos ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr.

Nauna nang binigyan ng Pangulo POGOs ng hanggang Dec. 31, 2024 upang itigil ang lahat ng kanilang operasyon sa bansa.