TAGUIG CITY – APAT ang tinukoy na areas of concern o babantayan ng nasa 2,500 pulis ngayong ika-34 taon ng Edsa Revolution Day.
Ito ang inihayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, BGen. Debold Sinas habang wala silang namo-monitor na banta sa sa selebrasyon ng nasabing political event.
“Wala pong imminent threat kaming natanggap from other intel communities dito sa NCR,” ayon sa pahayag ni NCRPO chief, Debold Sinas.
Sinabi rin ni Sinas na ang 2,500 na pulis ay naka-deploy upang siguruhin na maging maayos ang selebrasyon ngayong araw.
Ayon pa kay Sinas na ang lahat ng distrito sa Metro Manila ay inilagay rin sa full status.
Aniya, ang apat na lugar na kanilang na-identify na areas of concern ay ang National Housing Authority, Philippine Coconut Authority, ABS-CBN compound, at ang Welcome Rotonda. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.