(Kasamang doctor nadale rin) KALIHIM NG SANGGUNIAN PATAY SA PANANAMBANG

patay

LAGUNA – BINAWIAN nang buhay habang isinusugod sa pagamutan ang Sanggunian Secretary ng Binan at kasama nitong doctor nang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa bahagi ng Jubilation Road, Brgy. San Antonio nitong Linggo ng gabi.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Giovani Martinez, hepe ng pulisya, nakilala ang mga biktimang sina Edward Reyes, y Alonte,57-anyos, residente ng Jubilation East, Brgy. Zapote at Don Deocares ng Golden Meadow, Brgy. San Antonio.

Sinasabing kapwa nagtamo ng maraming tama ng bala sa ulo at katawan ang mga biktima mula sa M16 Armalite Rifle na ginamit ng mga suspek.

Sa isinasagawang pagsisiyasat, bandang alas-7:30 ng gabi nang harangin ng mga suspek ang minamanehong kotse ni Reyes na kulay asul na Chevrolet RS kasama si Deocares na pauwi na matapos dumalo sa ika-52 taong anibersaryo ng Tau Gamma.

Nabatid na sa harapan mismo ng isang convenience store  sa Pavillion pinaulanan bala ng mga suspek ang mga biktima at hindi na nagawa pang makapan-laban na kung saan ay isang kasamang babae ang sugatan matapos tamaan ng bala sa hita.

Agad na tumakas ang mga suspek lulan ng dalawang SUV patungo ng hindi mabatid na lugar.

Napag-alaman, tatlong taon na ang nakalipas ay inambus si Reyes sa harapan mismo ng Binan City Hall habang pauwi rin ng bahay na lulan sa isang  kulay itim na Toyota Land Cruiser.

Malubha nasugatan noong si Reyes samantalang namatay naman ang bodyguard nito na retiradong pulis na si Salvador Zapata Reyes.

Kaugnay nito, mariing kinondena ng samahan ng Tau Gamma Fraternity ang naganap na pamamaslang kay Reyes at Deocares kasunod ang isinagawang pag-luluksa ng mga ito at miyembro ng kanyang pamilya habang patuloy ang isinasagawang malalimang imbestigasyon ng pulisya sa krimen. DICK GARAY

Comments are closed.