(Kasambahay sugatan din) MAG-ASAWA NILOOBAN, ITINUMBA

Magnanakaw

QUEZON CITY – INIIMBESTIGAHAN ng Quezon City Police District (QCPD) at mga tauhan nito sa ilalim ni  Director, Police Brigadier General Joselito Esquivel Jr. ang  pagpaslang sa mag-asawang  habang sugatan ang kasambahay nito.

Alas-2:00 ng hapon noong Linggo nang matuklasan ang labi ng mag-asawa nang dalawin ito ng kanilang anak sa kanilang bahay sa  TS Cruz Subd., Brgy San Agustin, Novaliches.

Ayon kay  Maria Liza Austria, 56, anak ng magkabiya, dinalaw niya ang mga magulang para kumustahin ang lagay ng mga ito.

Sa kabila ng ilang tawag at pagkatok ng anak ng biktima ay walang sumasagot sa kanya na agad naman nitong itinawag sa mga barangay officials ng lugar upang humingi ng tulong sa pagbukas ng kanilang gate.

Nang buksan ng mga ito ang pintuan , natagpuan na lamang ang kanilang kasambahay na si Editha Fernandez, 63 anyos, housemaid na naka-handusay sa kanilang dirty kitchen at nakitaan ng bukas na sugat sa kanyang noo.

Agad namang dinala sa pagamutan ang biktima ng Brgy. San Agustin sa  Capitol Medical Center fupang gamutin .

Ayon pa kay PLTCOL Rossel Cejas, station  Commander ng  Novaliches Police Station (PS 4), nagtamo ng saksak si  Nicolas Austria y Torres, 80 , retired engineer gayundin ang misis nito na si  Leonora Austria y Eduardo, 80-anyos,retired government employee. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.