LANAO DEL SUR – SUMUKO sa elemento ng 49th Infantry Batallion ng Philippine Army ang dalawang miyembro ng Dawlah Islamiya o Maute group at dalawa pa nilang supporter sa bayan ng Masiu.
Kinilala ang sumukong miyembro ng terrorist group na sina Camar Gampong Musa, alyas Camar at Nasroding Comayog Patiilan, alyas Sangcopan.
Habang ang mga sumukong supporter ay sina Badroding Gampong Patiilan at Pacalinog Patiilan Comayog, mga residente ng Barangay Cormatan Masiu Lanao Del Sur.
Ayon kay AFP Western Mindanao Command Spokesperson Major Arvin Encinas isinuko rin ng mga ito ang kanilang mga baril partikular ang isang Caliber 5.56mm, M16A1-Elisco Rifle, 1 Colt 45 pistol, at mga bala.
Ang apat ay nasa kustodiya ng 49th infantry Batallion gayundin ang kanilang mga baril. REA SARMIENTO
Comments are closed.