KASO NARESOLBA NG DOLE, P73-M IGAGAWAD SA 2K WORKERS

NARESOLBA ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang P72.9 milyong halaga ng monetary benefit para sa tinatayang nasa 2,000 manggagawa sa pamamagitan ng mandatory mediation scheme na tinatawag na Single Entry Approach (SEnA).

Sa isang ulat, sinabi ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB) na may kabuuang 1,228 request for assistance (RFAs) para sa 1,972 filed RFA ang naresolba sa ilalim ng SEnA na nagresulta sa P72,934,378 monetary gain para sa 1,804 mang-gagawa mula buwan ng Enero hanggang Abril 2018.

Sinabi rin ng NCMB na ang 59 porsiyento ng settlement rate mula sa kabuuang RFAs na 1,167 request ang naresolba sa loob ng itinakdang process cycle time na 30 araw habang 61 RFAs ang naresolba ng lagpas sa itinakdang process cycle time.

Ang SEnA ay isang administrative approach na nagbibigay ng mabilis, impartial, inexpensive at accessible settlement procedure para sa lahat ng isyu at reklamo sa pagitan ng employer-employee relation upang hindi na ito mauwi pa sa pagsasampa ng malaking kaso.

Sa ilalim ng sistemang ito, lahat ng labor at employment dispute ay sumasailalim sa 30- araw na mandatory conciliation-mediation process upang tuluyang maresolba ng magkabilang panig. PAUL ROLDAN

Comments are closed.