KASO NG COVID-19 SA CALABARZON LUMOBO

COVID-19-a

LAGUNA – NANGUNA ang lalawigan ng Laguna sa talaan ng maraming kaso ng COVID-19 sa buong Region-4B.

Sa datos ni Calabarzon Department of Health (DOH) Regional Director Dr. Eduardo Janairo, umaabot na sa 918 ang ka-buuang bilang ng mga kaso sa nasabing lalawigan.

Nasa 46 sa mga ito ang naitalang nasawi habang nasa 488 naman ang nakarekober.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 2,963 ang kabuoang bilang ng kaso sa buong Calabarzon, 1,305 ang active cases, 211 ang nasawi habang 1,447 naman ang nakarekober.

Naitala ang lalawigan ng Batangas na may 352 kaso, 32 nasawi,199 ang nakarekober, Cavite 734, 45 nasawi, 257 nakarekober, Quezon 169, 11 nasawi, 131 nakarekober samantalang sa lalawigan ng Rizal ang naitalang 790 na kaso, 77 ang nasawi habang nasa 372 namam ang nakarekober.

Kaugnay nito, patuloy na lumolobo ang kaso sa unang distrito ng Laguna kung saan naitala ang maraming kaso sa lungsod ng San Pedro na may 263 kaso, (13 deaths, 150 recovered) Biñan, 177, (9 deaths, 52 re-covered) Sta. Rosa, 129, (7 deaths, 52 recovered) kabilang ang lungsod ng Calamba na may 83 kaso (2 deaths, 46 recovered). DICK GARAY

Comments are closed.