KASO NG DENGUE BUMABABA NA

DENGUE

INIHAYAG  ng Department of Health (DOH) na patuloy nang bumababa ang naitatalang dengue cases sa bansa.

Sa pinakahuling Dengue Surveillance report na inilabas ng DOH para sa Enero 17, 2020, nabatid na iisang rehiyon na lamang ang may dengue cases na lampas sa alert threshold habang isa pa ang lampas naman sa epidemic threshold.

“In the past three months, a steady decline in dengue cases was observed in all regions. Dengue Surveillance Reports also show that for December 22-31, 2019, there were only 815 dengue cases, 87% lower compared to the 6,125 cases reported over the same period in 2018,” anang DOH.

Matatandaang noong Agosto 6, 2019, nagdeklara ang DOH ng national dengue epidemic matapos na umabot sa 146,062 ang naitalang kaso ng sakit mula Enero hanggang Hulyo 2019, o halos doble ng bilang ng kaso na naitala sa kaha­lintulad na petsa noong 2018.

Sa kabila naman nito, sinabi ng DOH na hindi pa rin dapat na magpabaya ang publiko at dapat pa ring mag-ingat laban sa dengue.

“While the steady decline in dengue cases is indeed a very welcome development, let us not be complacent,” ani Health Secretary Francisco Duque III.

“We need to continually address the root causes of dengue and practice preventive measures all year round. I urge everyone to remain vigilant, and sustain the gains of the enhanced 4S strategy to keep dengue at bay,” dagdag pa ng kalihim. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.