PUMALO na sa mahigit 2,000 kaso ng leptospirosis ang naitala ng Department of Health sa buong bansa.
Sa bilang na 2,628 mga kaso, pinakamarami ay mula sa National Capital Region na mayroong 1,057.
Pumapangalawa naman ang Western Visayas na mayroong 294 mga kaso.
Sinundan ng CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon na 200 kaso, CARAGA Region (184), Central Luzon (178) at Ilocos Region (152).
Kaugnay nito, muling nagpaalala si Health Secretary Francisco Duque III sa mga local government unit na paigtingin ang pangongolekta ng basura at paglilinis ng paligid para mapababa ang populasyon ng mga daga, at maiwasan ang pagbabara sa mga imburnal na nagiging sanhi naman ng mga pagbaha.
Comments are closed.