ISABELA – CLOSED na ang kaso ng umano’y magkarelasyong negosyante at saleslady na natagpuang walang buhay sa isang pick-up truck kamakailan sa bayan ng Roxas.
Ito ang deklarasyon ng Roxas Police Station hinggil sa pagkamatay nina Thomas Gregotcha at isang alyas Cristy, 19-anyos.
Inihayag ni P/Major Arthuro Cachero, OIC Chief of Police ng Roxas Police Station na maituturing na nilang lutas na ang kasong pagpapatiwakal ng dalawa.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, binaril ng biyudo si Cristy saka ito nagbaril din sa ulo.
Una nang natagpuan ng awtoridad ang katawan ng dalawa sa pick up sa Baranga San Antonio.
Nagkasundo naman ng dalawang pamilya na magkaroon ng compromise agreement na hindi na sila magrereklamo dahil sa naniniwala sila na binaril umano ng negosyante ang kasintahan bago nagbaril sa sarili.
Ang baril na narekober sa crime scene ay nasa pangangalaga ng PNP Crime Laboratory habang ang sasakyan ay itinurnover sa pamilya ng lalaki. IRENE GONZALES