KAKASUHAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga ‘importer’ ng sinasabing recyclable materials subalit lumitaw na halo-halong basura na naglalaman ng hazardous wastes mula sa South Korea.
Ayon kay DENR Undersecretary for Solid Waste Management and LGU Concerns Benny D. Antiporda, ipinag-utos na niya ang paghahanda ng kaso laban sa mga nasa likod ng pag-angkat at nangakong agad niyang ipababalik ang shipment sa pinanggalingan nito.
Aniya, ang sinasabing ‘importer’ ng hazardous waste ay walang permit to import subalit nagawa pa rin nilang ipasok sa bansa ang tone-toneladang basura nang palabasing recyclable plastic materials ang mga ito. “Of course we will file appropriate cases against those involved in the ‘importation’, but our immediate concern is to return the shipment back to Korea. If we can do it now, then why wait?” ani Antiporda.
“What we want to ask the importer is what do they plan to do with those hazardous wastes? Do they plan to dump it just anywhere?” pagtatanong pa niya.
Ayon kay Antiporda, isasampa nila ang kaso kapag natukoy na nila ang mga nasa likod ng kompanya na sinasabing nagsagawa ng shipment.
“We will investigate if there are Koreans involved in this, or if there are Korean principals involved,” sabi pa niya.
“For the moment, our utmost concern is the health risks (involved) and the effect to our environment,” dagdag pa ni Antiporda. JONATHAN L. MAYUGA
Comments are closed.