KASONG GRAFT SA DATING AFP CHIEF, IBINASURA NG SANDIGANBAYAN

Diomedio Villanueva.jpg

IBINASURA ng Sandiganbayan ang kasong graft na kinahaharap ng dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Diomedio Villanueva kahapon ng umaga sa Quezon City.

Ayon sa Sandiganbayan 1st Division, nabigo ang prosekusyon na patunayang “guilty beyond reasonable doubt” si Villanueva hinggil sa  umano’y maanomalyang transaksiyon na pinasok nito noong siya pa ang nakatalagang pinuno ng Philippine Postal Cor-poration kung saan binigyan umano nito ng pabor ang Philpost USA na isang pribadong kompanya nang mag-refund ito ng 53 milyong  halaga ng terminal dues para sa mga ipinadalang liham.

Matatandaan na si Villanueva ay nagsilbing AFP chief mula 2001 hanggang 2002 sa ilalim ng administrasyong Arroyo.   MA. THERESA BRIONES