KASUNDUAN NG DFA-SM-GAISANO SELYADO NA

Secretary Alan Peter Cayetano

PASAY CITY – MALUGOD na inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpasok ng kasunduan sa SM Prime Holdings at Gaisano Group para sa pagbubukas ng apat pang mga mall-based consular office na makatutulong sa pagbigay ng serbisyo sa mga tao.

“We would like to thank SM Prime Hol­dings and the Gaisano Group for expanding their partnership with us,” wika ni Secretary Alan Peter Cayetano matapos ang pagpirma ng memoranda of agreement kasama ang SM Prime Holdings at ­Gaisano Malls para sa libreng renta sa pag-host ng consular office sa kanilang mga mall.

Dagdag pa ng Kalihim na ang mga bagong DFA consular office ay matatagpuan sa SM City Dasmariñas, Cavite; SM City San Pablo, Laguna: SM Cherry Foodarama Antipolo, Rizal; at sa Gaisano Mall sa Tagum City.

Ang kasunduang pinirmahan ay Public-Private Partnership agreements sa SM at Gaisano at kasunod nito ang pagpapasinaya ng mga bagong consular office sa Robinsons Malls sa San Nicolas, Ilocos Norte, Santiago City, Isa­bela, at Tacloban City sa Leyte.

Sa karagdagan, tatlo pang ibang consular offices ang tinatayang itatatag sa Malolos City, Bulacan; Paniqui, Tarlac at Ozamiz City o sa Oroquieta City sa Mindanao.

“Our new consular offices are bigger than our existing mall-based offices and will have facilities that will promote a more efficient work flow which will contribute towards faster passport application processing,” sinabi pa ni Secretary Cayetano.

Pinasalamatan din ni Secretary Cayetano si Presidente Rodrigo Duterte sa mga inisyatibo upang maging posible sa DFA na lalong lumawak sa kapasidad nito na magbigay ng serbisyo sa tao sa ilalim ng pinirmahan ng pangulo noong Oktubre na Executive Order 45 na may layu­ning magtatag ng mga karagdagang consular offices.

Ayon naman kay Foreign Affairs Assistant Secretary for Consular Affairs Frank Cimafranca, ang pagbubukas ng mga bagong opisina ng DFA ay malaking tulong sa ahensiya para lalong palawakin at palakasin ang kapasidad ng DFA sa pagbibigay ng pasaporte sa tao.

Sinabi pa ni Assistant Secretary Cimafranca, bukod pa sa bagong consular offices ay dinoble rin ng DFA ang bilang ng mga van para sa Passport on Wheels Program nito, kasama na ang Mobile Outreach Services para mas maraming passport applicant ang matulungan hindi lamang sa Metro Manila kundi pati na rin sa mga probinsiya.

Ang mga passporting office naman sa Aseana, Parañaque ay patuloy pa rin ang operasyon na bukas hanggang araw ng Sabado simula pa noong January.

“We can be expected to continue our efforts to not only increase our passport production capacity but also make our consular services more accessible to the public,” wika pa ni Assistant Secretary Cimafranca. PMRT

Comments are closed.