Kaye Nebre Martin
KAPAG mangungumunyon, sinasabi ng pari bago isubo ang hostia na “Katawan ni Cristo” na sinasagot naman natin ng “Amen.” I always wonder kung dapat ba, amen nga ang sagot. Di ba dapat, “macho?” Imagine kung gaano kalaki ang katawan ni Jesus Christ, considering na binaba niya ang napakabigat na krus, patungong Golgotha.
Ang aktwal na rutang tinahak ni Cristo ay ang Via Dolorosa sa Jerusalem. Sa madaling sabi, may 14 na istasyon. May isang pagkakataong tinulungan siya ni Simon dahil ilang kilometro na niya itong pinapasan at mukhang hindi na niya kakayanin, pero sandal lamang ito. Siya pa rin ang nagdala ng krus patungong Golgotha.
Sa totoo lang, ang Katawan ni Kristo ay tumutukoy sa Katawang Mistiko ni Hesus, na binubuo ni Hesukristo at ng mga kasapi ng kanyang Simbahan o Iglesya. Siya ang ulo ng simbahan at tayo ang katawan kaya dapat lang na amen nga ang sagot sa pagtanggap ng komunyon. Pero ang tunay na katawan ang pinag-uusapan natin ngayon. Noong 1870, nadeterminang umaabot sa 165 pounds o 75 kilos ang timbang ni Jesus. Ang krus naman na pinagpakuan sa kanya ay may taas itong apat na metro at lapad na dalawang metro at may bigat na 135 kg (300 lb), pero ang crossbeam ay halos 45 kg (100 lb).
Pagpapako sa krus ang pinakamasakit na paraan ng pagkamatay na maaaring maranasan ng isang tao, kaya ipinapataw lamang ito sa mga alipin, foreigners, rebolusyunaryo at pinakamasasamang kriminal.
Para mapabilis ang kamatayan, binabali ng mga executioners ang mga binti ng biktima. Kung tutuusin, hindi na ito kailangan dahil sa layo ng kanilang nilakad bago maipako, wala na halos silang lakas. Anim na oras hanggang apat na araw ang bago mamatay ang biktima dahil sa multifactorial pathology: after-effects ng pambubugbog, haemorrhage at dehydration na nagsasanhi sa hypovolaemic shock at sobrang sakit, pero ang pinakamahalagang factor ay progressive asphyxia caused by impairment of respiratory movement.
Sa dami ng naipako sa krus, isa lamang ang natalang nakaligtas at nabuhay – si Josephus. At syempre, kinailangan niya ang napakahusay at napakatagal na gamutan. Iniisipnyo siguro, kung macho nga si Cristo, bakit namatay siya?
Syempre naman, dapat lang na mamatay siya dahil iyan ang propesiya. Mamamatay siya sa krus at pagkatapos ay mabubukay siya sa ikatlong araw – na natupad naman eventually.
So, malinaw nang macho talaga si Cristo, or else, hindi niya kakayanin man lamang babahin ang krus na doble ng bigat niya hanggang Golgotha. Malinaw ring tama lamang na namatay siya sa krus o hindi tayo maliligtas sa kasalanan. Pero may mga dapat tayong maintindihan tungkol sa “katawan ni Cristo” at kung bakit amen nga ang dapat na sagot dito.
Una, si Cristo ang ulo ng simbahang Katoliko at tayo ang katawan. Siya ang namumuno at confirmation ang amen na miyembro tayo ng Katolisismo.
Ikalawa, lahat ng miyembro ay dapat na konektado sa katawan, meaning, gawin mo ang tungkulin mo bilang miyembro ng simbahang Katoliko.
Ikatlo, ang buong katawan ni Cristo say dapat na responsibo sa ulo – si Jesus mismo. Sa madaling sabi, bilang miyembro ng Simbahang Katoliko, may mga tungkulin kang dapat ganpanan tulad ng pagsisimba, pagbabasa ng Biblia at marami pang iba.
Ikaapat, bawat miyembro ay makikiisa kay Cristo. Hindi lahat ay pwedeng maging pari o madre, pero pwede rin tayong mangaral at magpakita ng magandang halimbawa.
Ikalima, purihin ang Diyos. May mga sugat sa katawan ni Cristo at natural lamang na magaling na ang mga ito sa ngayon. Napakaraming pilat, Sa tradisyong Katoliko, merong itinuturing na Five Holy Wounds. Tinatawag itong stigmata. Pero ayon mismo kay Cristo, nagkaroon siya ng 5,480 sugat ula sa mga hampas at palong na tinanggap ng kanyang katawan.
Totoong sa dami ng sugat na tinamo ng katawan ni Cristo, nanghihina na ito. Ang maluwalhating katawang puno ng pilat ay malakas pa rin at macho, pero manghihina kung hindi tayo kikilos. Kaya sa susunod na sabihin ng par isa inyong pangungumunyon na “Katawan ni Cristo,” pwede na nating sagutin ng “Macho.” Ikaw yon. Macho ka hangga’t nananatili kang malakas sa iyong pananalig.KNM