KATRINA HALILI INSPIRASYON NG MGA FRUSTRATED MOMS

FINALLY, Katrina Halili has achieved her long cherished goal of getting back in the shape she was in prior to her being a sizzling bitsmom.

So, para sa mga inang nagta-try na maibalik ang kanilang fighting form, hindi ito imposible as proven in the case of Katrina.

Anyway, ang anak ni Katrina kay Kris Lawrence ay five years old na ngayon.

Ganyan na siya katagal nagta-try na ibalik ang kanyang winning form na nagbigay sa kanya ng karangalang FHM Philippines’ Sexiest Woman in the country, and twice in a row at that!

Last Monday, ipinost ni Katrina ang kanyang series of photographs kung saan ipinakita niya ang kanyang bagong toned figure wearing a two-piece black-and-red bikini.

Kuha ang mga litrato sa kanyang birthday celebration over the weekend sa Villa Rina Hot Springs Resort sa Pansol, Laguna kung saan  tumuntong siya sa kanyang ika-33 tag-araw.

Ang workout routine ay kinabibilangan ng cardio exercises, na ginagawa niya sa bahay o sa gym man.

Nag-undergo rin siya ng series of non-surgical BTL Exilis Ultra 360° treatments with Skin MDC.

Ang treatment na ito ay nagbabawas ng unwanted fats at nagpapasikip ng skin deep tissues.

ALESSANDRA DE ROSSI MAGDIDIREK NA NG SARILI NIYANG PELIKULA

ALESSANDRA DE ROSSI-4NGAYONG 2019

ALESSANDRA de Rossi is not an ordinary talent of Viva Artists Agency (VAA) for she has a partnership by way of her own movie company AWOO.

“Nangyari siya (partnership) dahil nagtayo ako ng company, under Viva Corporation, ang pangalan niya AWOO, A World of Her Own ang ibig sabihin.”

‘Yung name raw ay galing sa fave expression ng brother in-law niyang si Jules Ledesma na nilagyan niya ng meaning.

Sa ngayon, nagpa-manage na rin daw siya sa Viva para lahat na ng projects niya, lahat ng ideas, nandito na para wala nang conflict of interest.

Kanila naman daw ang fundings ng lahat nang gusto niyang gawin without asking any question.

Alessandra was dead serious when she said that her contract with Viva would expire in 50 years time.

She is slated to do three movie projects for the year 2019 at parte rito ang katuparan na makasama ang kanyang dream direktor.

So far, ready to shoot na raw ‘yung isa at leading man na lang ang kailangan. Mayroon na raw siyang isa with Direk Andoy Ranay at mayroon namang siya ang magdi-direk.

“Actually, ‘yung gusto ko i-direct, ako rin ang nagsulat,” she said. “Natuwa lang kasi ako nang mapanood ko ang The Mirror Has Two Faces, tapos nakita ko written and directed by Barbra Streisand.

“Sabi ko, ‘A, really, wait, wait ka lang diyan, ate. Try ko rin.’

“Kasi ako siguro ang tipo ng tao na hindi titigil, ‘yung gustong i-try lahat,” she said in all seriousness.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

Comments are closed.