KATRINA HALILI PAHINGA MUNA SA KONTRABIDA ROLES

KATRINA Halili breaks away from her usual kontrabida roles for GMA-7’s new sizzling bitsteleserye, Prima Donnas. The past year had Katrina Halili doing one soap after another at GMA-7.

Ginawa niya ang The Stepdaughters, Pamilya Roces at TODA One I Love.

Ano naman kaya ang pagkakaiba ng soap na ‘to sa kanyang character sa Prima Donnas na magsisimula nang umere ngayong August 19?

Anyway, Katrina’s happy with her new soap because it would give her the chance to do good roles that’s basically a typical mom.

Medyo nakapaninibago dahil mas bagay raw sa kanya iyong magmaldita!

Anyway, grateful siya sa GMA dahil for a change, mabait na papel naman ang ibigay sa kanya. Ni-request raw niya kasing kung maaari, bigyan naman siya ng ibang role to explore.

“Although sabi ko naman po,” she said as an after thought, “happy ako na binibigyan nila ako ng kontrabida role kasi okay din naman sa akin ‘yun.

“Tsaka happy ako kasi tiwala ‘yun, ‘di ba? Para pagkatiwalaan ka and mga  projects ‘yan e, para bigyan ka kahit kontrabida ‘yan e, ‘di ba? Pero sabi ko, puwede rin nila akong bigyan ng ibang role next time.”

AKTOR BINAGOONG DAHIL NANIRA NG LOVETEAM

NABAGOONG pala ang showbiz career ng isang guwapo at matangkad na aktor dahil pinarusahan siya ng kanilang network dahil sa pagsira niya sa career plan ng dalawang aktor at aktres na magka-loveteam.

Bini-build up pala kasi ng network ang dalawa bilang loveteam pero sinira ng aktor na ‘to ang diskarte ng network dahil sa ginawa niyang panliligaw sa young actress.

Marami naman daw kasing puwedeng ligawan, kung bakit ang young actress pa ang napili ng aktor gayung alam naman niyang off limits ito sa ibang aktor gawa ng mayroon itong ka-loveteam na bini-build up nga ng naturang network.

Kaya sa ngayon, off limits na muna sa mga soap operas ang aktor at hanggang sa pa-guesting-guesting na lang siya muna until such time that the silent ban would be lifted.

Ito naman kasing aktor na ‘to ay masyadong feeling guwapo at adelantado. Marami namang puwedeng ligawan kung bakit ‘yun pang off limits ang napili. Hayan tuloy, nabagoong ang career niya. Buti nga. Masyado kasing feelingero at feeling guwapo at desirable.

JAMES REID UMALIS NA SA BAKURAN NG VIVA FILMS

AFTER staying with Viva Films and Viva Artist Agency as a contract artist for seven years, umalis na pala si James Reid sa pagkandili ng nasabing movie outfit.

His dad is now his new manager.

Viva Entertainment has yet to come out with its official statement with regards to James’s decision to go freelancing but it is said to be a mutual decision.

Kaya from now on, his Australian dad Robert Malcolm Reid would be in charge of his showbiz career.

Ang Viva Films at ang Viva Artists Agency ang nag-gamble kay James right after winning as the Big Winner of the Pinoy Big Brother: Teen Clash of ABS-CBN wayback in  2010.

Nagkaroon ng sigla at direksiyon ang kanyang acting and music career when Viva gave him the lead role in the movie Ang Diary ng Panget, his blockbuster movie with Nadine Lustre sometime in April 2014.

With Viva’s guidance, James was known as a bankable matinee idol and his record albums, concerts, product endorsements, movie, at television assignments came in rapid succession.

Alam naman nating ang Viva ang responsable sa mga bonggang product endorsement ni James kaya inaabangan ngayon nang nakararami ang mang­yayari sa kanyang career na gusto raw nitong mag-concentrate sa kanyang music career.

Let’s wait and see!

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

Comments are closed.