LIMANG salita ang naging susi sa matagumpay na title quest ng Magnolia Hotshots sa PBA Governors’ Cup – determination, dedication, patience, perseverance at will to win.
“They played one hell of a game. They were all over the court shooting with impunity and rebounding. They played superior game. Wala na akong masasabi pa. Nakamit naming ang aming minimithing pangarap,” wika ni coach Chito Victolero.
Ang 102-86 clinching victory ng Magnolia sa Game 6 na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo ay maituturing na isa sa pinaka-lopsided na panalo sa finals.
Kumbaga sa boxing, walang awang binugbog ng Hotshots ang Aces at hindi binigyan ng pagkakataon na makabangon.
Ayon kay Victolero, bago ang laro ay kinausap niya ang kanyang mga bataan at sinabihan na ito na ang tamang pagkakataon na tapusin ang serye para maagang magkapagpahinga at bigyan ng sapat na panahon ang kanilang mga mahal sa buhay.
“I told them to play their best out there one more time. I instructed them to ignite their offense and put up solid rock defense and not give the enemy elbow room to mount offensive,” ani Victolero.
Sa panalo ay napasama si Victolero sa elite ‘club of champions’ na kinabibilangan nina Tim Cone, Virgilio ‘Baby’ Dalupan, Tommy Manotoc, Robert Jaworski, Yeng Guiao at Vincent ‘Chot’ Reyes.
Halos lahat ng players ay nag-deliver at lima ang nagtala ng double figures, sa pangunguna ni import Romeo Travis na kumana ng 32 points. Nag-ambag sina Best Player of the Conference Paul Lee at Ian Sangalang ng tig-16 points, Mark Barroca ng 13 at prized rookie Jio Jalalon ng 11.
Tinalo ni Travis si Alaska counterpart Mike Harris sa kanilang personal duel kung saan tumapos ang huli na may 26 points.
Maluwag namang tinanggap ni Alaska coach Alex Compton ang kabiguan at binati si Victolero sa napakahusay na paggabay sa Magnolia.
“Chito deserves the title. Let’s give it to him,” sabi ni Compton matapos muling mabigo na makuha ang korona at maibalik ang Alaska sa podium.
Ang Alaska ang may pinakamaraming titulo sa liga na may 11, kasama ang grandslam noong 1996 sa ilalim ni Cone.
”We’ll be back next conference and continue our title quest,” sabi ni Compton. CLYDE MARIANO
Comments are closed.