ISABELA – SA tatlong araw na kauna-unahang Indigenous Peoples Youth Summit na inorganisa ng 95th Infantry Battalion na dinaluhan ng mga katutubong Agta at Kalinga ay kinumpirma ng mga nasabing katutubo sa bayan ng San Mariano ang recruitment ng New People’s Army (NPA) para umanib sa kanilang grupo.
Ayon kay Bong Soriano, National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Isabela, kabilang ito sa mga inilatag na problema ng mga katutubo sa aktibidad na sa pamamagitan ng pagtitipon na ito ay maipaliwanag at kanilang maituwid ang mga kabataang katutubo na huwag umanib sa makakaliwang kilusan.
Ang IP youth summit na nagsimula noong Biyernes na nagtatapos noong Linggo, Marso 1, na layunin ng mga sundalo na maimulat ang mga kabataan na ipaglaban ang kanilang karapatan sa kani-kanilang ancestral domain na malaking pagkakamali ang umanib sa grupo ng kilusang komunista.
Kabilang sa problema ng IPs ang pang-aagaw sa kanilang ancestral domain ng ilang malalaking tao na hindi nila napipigilan dahil sa kakulangan sa kaalaman. Kaugnay nito, tiniyak ng NCIP ang kanilang tulong sa mga naaaping katutubo. IRENE GONZALES
Comments are closed.