NAKA-HEIGHTEN alert na ngayon ang Bureau of Quarantine (BOQ) at ang Department of Agriculture (DA) matapos na iulat ng Russia ang kauna-unahang kaso ng H5N8 avian flu sa mga tao.
Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na pinaigting ng BOQ ang kanilang border surveillance at control habang hinigpitan din ng DA ang surveillance ng animal health upang masigurong hindi makakapasok sa bansa ang naturang sakit.
“Mayroon pong pakikipag-ugnayan ang dalawang ahensiya na sinisiguro nila na ito po ay hindi makakapasok sa Filipinas,” ayon kay Duque.
Nauna rito, inimpormahan ng Russia ang World Health Organization (WHO) hinggil sa transmission ng naturang strain sa tao.
Ang naturang flu ay natukoy umano sa pitong manggagawa sa isang poultry farm sa southern Russia ngunit wala naman silang naranasang anumang seryosong epekto sa kanilang kalusugan.
Sinabi ni Duque na kabilang sa mga sintomas ng sakit ay lagnat, ubo, pananakit ng lalamunan, pananakit o pamamanhid ng kalamnan, gayundin ang pagduduwal, pananakit ng tiyan, pagtatae at pagsusuka, sa ilang kaso.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Duque ang publiko na sakaling makaranas ng anuman sa naturang mga sintomas ay mabuting magpakonsulta na kaagad sa doktor lalo na kung bumiyahe sila sa mga lugar na napaulat na may mga kaso ng bird flu.
“Kung mayroon namang nararanasan alin man sa mga sintomas na ito, magandang magkonsulta sa inyong mga doktor lalo na kung meron po kayong history of recent travel to a part of the world kung saan nagkaroon na ng ulat ng bird flu,” aniya pa. ANA ROSARIO HERNANDEZ
259260 196524In case you have been injured as a result of a defective IVC Filter, you must contact an experienced attorney practicing in medical malpractice cases, specifically someone with experience in these lawsuits. 211547