MAGANDANG balita dahil nag-turn over kahapon ang Department of Health (DOH) CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ng kauna-unahang ‘teleICU system’ sa intensive care unit (ICU) ng Quezon Medical Center sa Lucena City, Quezon.
Nabatid na ang naturang teleICU system ay magagamit sa pagsasalba ng mga ‘critically-ill COVID-19 patients’ at upang mabawasan ang risk na mahawa ng virus ang mga health care workers.
Ayon kay dating Regional Director Eduardo Janairo, isa sa mga guest of honor sa naturang seremonya, isinulong niya ang proyekto upang protektahan din ang mga health care provider sa ICUs na palaging nanganganib na dapuan ng virus.
“We can lessen these risks and still provide optimal care while minimizing the risk of acquiring the virus infection and ensuring their health and safety,” ani Janairo.
“And through teleICU, we can manage patients remotely through an intensive care team that will monitor Covid patients in ICUs and provide updates on their health status to intensive care physicians remotely in order for them to deliver timely and effective critical care services,” aniya pa.
Sinabi ni Janairo na ang mga critical COVID-19 patient sa isang ICU ay maaaring i-monitor sa pamamagitan ng paglalagay ng lifesignal patch sa dibdib sa loob ng limang araw.
“It is a cardiovascular monitoring device that will record the patient’s temperature, respiration rate, ECG trace, heart rate and movement in real time,” aniya.
Nabatid na ang datos na makakalap ng lifesignal patch ay ipapadala at idi-display ‘in real time’ sa isang monitor.
Sakali aniyang makitang nagde-develop ang sintomas ng pasyente, mismong ang naturang device at ang data platform nito ang siyang mag-aalerto sa mga healthcare providers upang makapagsagawa ng kaukulang aksoyon.
Ang lifesignal patch ay disposable lamang at maaaring i-self-applied. Ang pinakamahalaga, nakapagpapabawas rin aniya ito ng cross-contamination risk.
Bumili na umano ang regional office ng may 600 lifesignal patches na magagamit sa mga critically-ill COVID-19 patients na naka-admit sa Quezon Medical Center.
Ayon naman kay OIC-Director Paula Paz Sydiongco, ang tele-ICU project ay malaking tulong upang maprotektahan ang mga health care providers at upang mapigilan na rin ang pagtaas ng COVID-19 infection sa Quezon, partikular na sa Lucena City, na kamakailan ay isinailalim sa mas mahigpit na modified enhanced community quarantine (MECQ) ng pamahalaan.
Aniya pa, magde-deploy rin sila ng apat pang tele-ICU systems na ilalagay naman sa San Juan Hospital sa Batangas, Laguna Medical Center at San Pablo City General Hospital sa Laguna at sa Southern Tagalog Regional Hospital sa Cavite.
“Our health workers are the lifeblood of our health care system. We need to keep our health workers safe to ensure an effective health care system keeping patients safe, relieving their suffering and saving their lives,” dagdag pa niya. Ana Rosario Hernandez
737373 721529Wonderful beat ! I wish to apprentice although you amend your web website, how can i subscribe for a weblog web site? The account aided me a appropriate deal. I had been a little bit acquainted of this your broadcast provided bright clear idea 912232
409636 843583Fantastic post, I conceive website owners ought to learn a whole lot from this web weblog its rattling user genial . 638480