KAUTUSAN VS PAGBENTA, PAG-INOM NG ALAK PINALAWIG

ALAK-2

PANIBAGONG executive order ang inilabas ni Paranaque City Mayor Edwin Olivarez na nagpapalawig naman sa suspension ng lahat ng lisensya at permit sa pagbebenta at pagsisilbi ng alak at nakalalasing na inumin sa gitna ng pagdedeklara ng gobyerno ng extension ng enhance community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Sinabi ni Olivarez na ang pagpapalawig ng suspension sa pagbebenta at pagsisilbi ng alak sa lungsod ay dahil na rin sa pag-extend ng ECQ sa Metro Manila hanggang sa Mayo 15 at ang naturang pagpapalawig ay isang hakbang para sa patuloy na implementasyon ang pananatili ng social distancing na isang pinakamabuting paraan upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Ang naturang suspension, ani Olivarez, ay mananatili hanggang Mayo 15 maliban na lamang kung ang ECQ ay mas maagang bawiin o alisin.

Gayunpaman, sinabi ni Olivarez na kung sakali naman na magtuloy-tuloy ang ECQ, ang kanyang executive order na ito ay mananatili hanggang sa matapos ang deklarasyon ng ECQ.

Inatasan naman ni Olivarez ang Business Permit and Licensing Office (BPLO) sa pamumuno ni Atty. Melanie Malaya ang mahigpit na pagpapatupad ng naturang order sa tulong at suporta ng lokal na pusliya at mga opisyal ng barangay. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.