BULACAN – TATLONG drug pushers kabilang ang binansagang “Lupin” ang naaresto ng Bulacan Provincial Police Office (BPPO) sa pagpapatuloy ng kampanyang “Oplan Angry Bird” kahapon sa iba’t ibang lugar sa lalawigan.
Sa ulat kay PCol. Chito Bersaluna, hepe ng BPPP, nadakip sina Jerome Manuel alyas Lupin, 20-anyos na kabilang sa drug watchlist ng Obando Municipal Police Station (MPS); Ferdinand San Juan alyas Tuklaw, 28, residente ng No. 215 Brgy. Santol, Balagtas, Bulacan, na nakalista sa drugs watchlist ng Guiguinto-MPS; at Benjamin Irenia, alyas JBoy, 32, residente ng No. 269 Quarry, Brgy. Minuyan Proper, San Jose del Monte City.
Pawang nahulihan ang mga suspek ng tig-anim na plastic sachet ng shabu at drug-buy bust money na dinala sa Bulacan Crime Laboratory Office sa Camp Alejo Santos sa Malolos City para masuri at masampahan ang tatlo ng kaukulang mga kaso. A. BORLONGAN
Comments are closed.