(Kaysa maglabas ng balitang haka-haka) ROBIN, PHILIP AT BONG GO HILING AY DALANGIN PARA KAY EDDIE GARCIA

eddie garcia

MAGKAKASAMANG dina­law nina Robin Padilla, Philip Salvador at Senator-elect hotshotsBong Go ang multi-awarded veteran actor/director na si Eddie Garcia kamakailan sa  Makati Medical Center.

“Kinakamusta po ako ni Tito Eddie parati nu’ng kampanya. At nagpapasalamat  po ako sa kanyang suporta. Ipagdasal po natin na humaba pa ang kanyang buhay,” say ni Senator-elect Bong Go sa ilang reporter na naabutan niya sa ospital.

“Sa lahat po ng fans ni Eddie Garcia, kailangang-kailangan niya po kayo ngayon, tayong lahat. Ipagdasal po natin siya na maka-recover po. Dasal ang pinakamalakas na panlaban sa anumang sakit,” say naman ni Kuya Ipe.

“Wag na po kayo gumawa ng mga haka-haka. Sa mga panahong ito mas mabuti pong totoong balita lang ang inilalabas,” say naman ni Robin tungkol sa naunang naglabasang balita na inatake ito sa puso na later on ay itinama rin ng pamilya na napatid ang actor ng kable at saka sumubsob.

Nangangailangan pa ng dasal si Manoy dahil hanggang ngayon daw ay nasa deep sleep pa rin ito.

Hindi naman umano nagpapabaya ang GMA 7 sa kanilang responsibilidad pero hindi rin maaalis na mayroong sumisisi sa network. Dapat daw ay parusahan ng network kung sinuman daw ang may kapabayaan sa nangyaring aksidente sa actor.

Sinisi rin ang kawalan ng naka-standby na paramedic sa taping na kung saan balitang isinakay lang daw diumano sa taxi si Manoy matapos na ito ay maaksidente. Kinailangan pa raw maghintay ng 30 minutes sa pagdating ng taxi ayon sa kuwentong nakarating sa pamilya ng actor.

Narito naman ang latest statement ng GMA 7:

“It has been the Network`s  practice to have medical personnel and ambulance crew on standby whenever the production is executing big action scene during taping. This has been likewise the practice of other GMA programs. Given this, we are currently investigating the absence of a medical team on the set last Saturday, June 8.

“GMA Network is deeply saddened with what happened to Mr. Eddie Garcia and the management is committed to getting to the bottom of this unfortunate incident.”

DINGDONG DANTES NATUTUWA SA NAABOT NG WINNERS NG STARSTRUCK

MAGSISIMULA  nang mapanood ang Starstruck sa GMA 7 at ngayon pa lang ay dingdong dantesexcited na ang hosts at council members ng original  reality based artista search para hanapin ang susunod na big stars mula sa mapalad na mapi­piling hopeful ngayong taon.

Ang original host nga na si Dingdong Dantes ay very proud sa naging achievements ng Starstruck alumni.

“Nakita ko ‘yung growth, ‘yung evolution, hindi lang nu’ng show, lalong-lalo na ‘yung mga nanalo,” say ni Dingdong.

Maging ang tinanghal na Ultimate Female Star na si Jennylyn Mercado ay looking forward na makita at makilala ang mga magiging contestants na magpapakitang gilas sa Starstruck stage.

Samantala, sina Heart Evangelista, Ms. Cherie Gil at Jose Manalo ang magsisilbing council members ng Starstruck.

“I`m very nervous kasi hindi ko alam kung paano tanggihan ang isang tao but I`ll try to be as honest as possible,” say ni Heart.

Ang isa pa sa inaaba­ngan ay ang mga bibitawang advice ni Ms. Cherie na pagdating sa kanyang mga character na gina­gampanan ay mataray at walang paligoy-ligoy.

“I would try my best to be as positive as possible because if you`re  negative, it`s  discouraging specially if they`re young,” say ni Ms. Cherie.

Bukod sa paghahatid ng kasiyahan ay hahanapin ni Jose ang mga contestant na nangangarap maging komedyante.

“Hindi naman lahat ng sasali rito ay gusto lang umarte as a drama actor or actress. Mayroon ding papasok dito na komedyante,” say naman ni Jose.

POPS FERNANDEZ MAS GUSTO NA ANG MAG-PRODUCE KAYSA UMARTE

AYAW nang ipagpatuloy ni Pops Fernandez ang pag-aartista dahil naranasan niya POPS FERNANDEZraw ang hirap na dinaranas kapag umaarte sa harap ng camera noong siya ay bata pa.

Pero sa pelikula, nakisosyo siya sa romantic-comedy na “Feelennials” at  hindi na siya nakatanggi nang magkaroon ng cameo role.

“Maiksi lang naman ang role ko pero bumagay naman sa akin! Ha!Ha!Ha!” pahayag ni Pops sa gina­nap na grand presscon ng Feelennials na pinagbibidahan nina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani.

Bukod kay Pops ay may cameo role rin ang ex-husband na si Martin Nievera at ang dalawa nilang anak na sina Robin at Rams na involved naman sa post production ng pelikula na nakatakdang ilabas sa mga sinehan sa June 19.

Sa presscon ng movie ay mistulang hindi tumatanda si Pops kaya naungkat tuloy ang kanyang lovelife.

Nasabi na lang ng original na Concert Queen na kaya siya blooming ay dahil happy siya kahit wala siyang boyfriend.

Sana raw ay mag-klik ang movie nina Ai Ai at Bayani para lahat ay masaya.

Comments are closed.