KELLY WILLIAMS GOOD BYE, PBA NA!

on the spot- pilipino mirror

NAGDESISYON na si Fil-Am player Kelly Williams na iretiro na ang kanyang jersey no. 21. Nitong Lunes ay inanunsiyo niya sa kanyang Instagram na magpapaalam na siya. Halos 14  taon din siyang naglaro sa professional league. At marami ring natanggap na award ang 2006 draft ng Sta. Lucia Realtors tulad  ng  Mythical First Team (3x), Mythical Second Team (4x), All-Star (5x), All-Defensive Team , All-Rookie Team, Comeback Player of the Year (2x), at dalawang beses na itinanghal na slam dunk champion.

Malaki ang pasasalamat niya kay coach Chot Reyes sapagkat ito ang humimok sa kanya upang tumungo sa Pinas. Kinausap ni coach Reyes si Kelly noong 2005, naniniwala kasi si coach Chot na magaling at  malayo ang mararating ni Williams. Nakapaglaro si William sa Philippines team noong 2007  sa FIBA  ASIA men’s championship game sa Tokushima, Japan. Si Williams ay mula sa Detroit, USA

Tulad ng sabi ni Kelly, “The Mchine Gun is signing off.”

Thank you, Kelly,  sa lahat ng naiambag mo sa PBA at sa National team. Good luck sa next level ng career mo.

o0o

Magbubukas na ang PBA Philippine sa  darating na October 9, ngunit sa kasalukuyan ay wala pang venue kung saan gagawin ang mga laro. Pinag- uusapan pa ng PBA board kung ano ang  aaprubahan  na   venues. Wala pa ring sinabi kung papayagan ang audience sa bawat laro. Ayon kay kume Willie Marcial, walang babaguhing format ang laro. Ang PBA Philippine Cup ay dalawang buwan lang tatagal na posibleng gawin apat o limang beses sa isang linggo ang mga laro at magkakaroon din  ng 3 laro sa isang araw upang matapos agad ang isang conference. Good luck, PBA!

o0o

Balik-laro na itong si NorthPort Batang Pier Robert Bolick pagkatapos magtamo ng ACL knee  iniury. Katunayan, ang player ay sumasama na sa  ensayo ng  kanyang mother team. Parang hindi nga raw galing sa ACL ang dating San Beda player, mabilis itong naka-recover sa natamong injury..

Mainit ang usapan ngayon na nais siyang kunin ng sister team na TNT KaTropa. Pero hindi basta-basta ang pag lipat niya sa Textets. Bawal ang direktang trade kapag sister teams. Dapat ay isang koponan na hindi involved sa  sister teams ang kumuha muna sa kanya kung gustong kunin ng TNT itong si Bolick para sa paghahanda sakaling humina na sa paglalaro si Jason Castro. Ito umano ang hahalili. Alam naman natin na nagkakaedad  na si Castro at unti-unti na ring nagbabago ang kanyang  laro.

 

 

Comments are closed.