NORTH COTABATO – ARESTADO ang 43-anyos na lalaki makaraang makumpiskahan ng P300k halaga na shabu sa inilatag na checkpoint sa bahagi ng na-tional highway sa Barangay Galakit, bayan ng Pagalungan, Maguindanao kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang suspek na si JC Mendoza Castillon na makumpiskahan ng 25 gramo na shabu sa kanyang sling bag na kulay itim.
Sa ulat ng pulisya, nagsasagawa ng checkpoint ang pinagsanib na tropa ng pulisya, 4th MP, 1st PMFC sa pangunguna ni P/Captain Kris Alob Solivio nang harangin ang puting pampasaherong UV Express van na may plakang KDO 7423 kung saan sakay sa front seat ang suspek.
Nang usisain ang sling bag ay tumambad ang limang maliliit at dalawang malalaking plastic sachet na shabu na may street value na P300,000.
Ang suspek na si Castillon ay nagmula pa sa Cotabato City at pauwi na ito ng Davao City nang maaresto. MHAR BASCO