KELOT TIMBOG SA RAPE, PAGKAKALAT NG SEX VIDEO

PATONG-PATONG na kaso ngayon ang kakaharapin ng isang lalaki nang ireklamo ng panggagahasa at pananamantala sa dalawang biktimang babae sa Maynila.

Bukod sa panggagahasa ay nagpapakalat din umano ng sex video ang suspek na si John Cedric Valdez, nasa hustong gulang .

Batay sa inisyal na ulat ng Manila Police District (MPD), itinago na lamang sa pangalang “Jade” ang isa sa mga biktima ng suspek sa social media website na Facebook na nangakong ipakikilala siya sa isang dayuhan na magbibigay ng malaking halaga.

Sa isang hindi binanggit na hotel dinala ng suspek sa isang kuwarto ang biktima para umano duon hintayin ang isang Chinese national.

Pero bigla siyang ginahasa at kinunan pa ng malalaswang larawan at video.

Matapos pagsamantalahan ay kinuha pa ng suspek ang cellphone ng biktima saka iniwan sa hotel.

Pagdating sa bahay, nagulat na lamang ang biktima nang ma-hack na ang kanyang facebook .

Nakiusap ang biktima na alisin ang nasabing mga malalaswang larawan sa social media kapalit ng hinihinging halaga ngunit kumalat pa rin ito social media.

Ayon sa biktima, kumapit lamamg ito sa patalim dahil nawalan siya ng trabaho bilang saleslady dahil sa pandemic.

Samantala, isa pang babae ang nabiktima rin ng suspek ng panggagahasa na kapareho din ng istilo kung saan may ipapakilala ring Chinese national.

Ayon kay “ Judy” mayrooon itong pinag-aaral na anak at mag-isa lamang siyang nagtataguyod kaya nagawa rin niyang kumapit sa patalim mataposmawalan din ng pagkakitaan nitong pandemya.

Ang suspek ay nakatakdang isalang sa Inquest Proceedings sa kasong rape at Extortion sa Manila Prosecutors Office. PAUL ROLDAN