DAHIL sa inaasahang pagdagsa ng mga turista dahil sa Kapaskuhan sa Baguio City ay binuksan na ang Kennon Road simula kahapon ng umaga.
Alas-6:00 ng umaga nang buksan na ang northbound traffic ng Kennon Road at tatagal ang pagbubukas hanggang alas-6:00 ng gabi ng Enero 6.
Ilang linggo na ring sarado sa mga motorista ang kalsada at binubuksan lamang ito sa northbbound traffic tuwing Biyernes.
Pinapayuhan ang mga motorista na sa Marcos Highway na lang dumaan o sa Asin-Nangalisan-San Pascual-Rizal-Anduyan Road kung ang sasakyan nila ay may bigat na 5 tonelada pataas.
Agad ding isasara sa trapiko ang Kennon Road kung makararanas ng hindi magandang panahon upang maiwasan ang peligro sa mga motorista sakaling magkaroon ng pagguho ng lupa.
Comments are closed.