MALAS naman ni Kevin Alas, ilang games pa lang siya nakapaglalaro sa NLEX Road Warriors ay nadale na naman siya ng injury. Iyak ni Alas nang magtamo siya ng knee iniury. Ang masakit, ang dating ACL ang natamaan. Kaya pahinga na naman ang dating Letran player. Anim na buwan na naman ang hihintayin ng basketbolista para makabalik sa porma. Nasa edad na 28 pa lang si Alas. Delikado kasi posi-bleng mag-retire siya ng wala sa oras dahil sa ACL. Get well soon, Kevin. Sana mabilis kang maka-recover at magtiyagang maghintay sa paggaling mo.
Dahil parating na ang summer, uso, siyempre ang mga sports activity. Tulad na lang itong Milo na magkakaroon ng 2019 Milo Summer Sports Clinic. Ang kampanya ng Milo ay ilagay sa sports ang mga anak. Maganda ang layunin ng naturang kompanya na maging sportsminded ang mga kabataan upang malayo ang mga ito sa masasamang bisyo at maging inspirasiyon sila sa iba’t ibang palakasan. Ang bagong programa na nadagdag sa sports clinic ng Milo ay ang wushu, arnis at ang ultimate Frisbee. Patuloy pa rin ang sports clinic nila sa basketball, badminton, chess, fencing, football, futsal, golf, gymnastics, karatedo, lawn tennis, table tennis, taekwando, touch rugby at volleyball.
Hindi lamang sports ang matututunan sa Milo summer sports clinic kundi pati na ang pagiging matulungin, pakikipagkapwa tao at pagiging sports na kayang tanggapin ang pagkatalo.
Magulo raw ang team na ito sa semi-professional league, lalo na ang team owner na walang sariling desisyon. Hindi kataka-taka kung bakit mada-lang pa sa pagpatak ng ulan ang panalo ng team. Pangarap ng owner na manalo nang manalo ang team. Paano mananalo ang koponan ng owner kung ‘di siya maintindihan ng mga kasama niya sa team.
Posibleng hindi magtagal ang ligang ito, lalo na’t next year ay magtataas na naman ng franchise fee. Marami nga ang nagsasabi, baka matapos ang election ay wala nang sumal. Katunayan, maraming team na founder ng liga ang duda kung after election ay nandiyan pa sila. Let’s wait and see…
Comments are closed.