MALAKING biyaya para kay Narda Pinto ang pagpasok niya sa kampo ng Barangay Ginebra.
Sa unang pagkakataon ay nakatikim siya ng kampeonato kaya naman tuwang-tuwa ang player. Isa siya ngayon sa ipinagmamalaki ni sports director Alfrancis Chua dahil sa angkin niyang galing sa paglalaro. Saka bata pa si Pinto, marami pa siyang ilalabas na laro. At higit sa lahat, bagay na bagay siya sa Gin Kings dahil sa ‘never say die’ spirit nito. Congrats.
vvv
Balik-hardcourt na rin si Stanley Pringle mula sa knee injury. Halos isang conference din siyang hindi nakapaglaro. Dapat sana ay hahabol siyang lumaro para sa Governors’ Cup, ngunit ‘di na ito pinilit ni coach Tim Cone at ng management. Kaya ngayong Philippine Cup ay sure ball nang makababalik ang Fil-Am player. Kaya naman lalong lalakas ang kampo ng Brgy. Ginebra.
vvv
Pagkatapos ng isang season sa Japam B. League ay balik-PBA na si Kiefer Ravena sa NLEX Road Warriors.
Subalit isang conference lang lalaro si Ravena sa Road Warriors at pagkatapos nito ay balk siya sa B. League. Mukhang mas nagustuhan na ni Kiefer na maglaro sa Japan. Kahit pa may existing contract si Manong Kiefer sa NLEX ay oks lang naman sa management ng Road Warriors dahil may blessing naman ito ni Mr. Manny V. Pangilinan. Anyway, welcome back sa PBA, Kiefer. Maraming matutuwang fans sa iyong pagbabalik.