PANGUNGUNAHAN ng magkapatid na Kiefer at Thirdy Ravena ang 12-man Gilas Pilipinas lineup para idepensa ang gold medal ng bansa sa 31st Southeast Asian Games na gaganapin sa May 12-23 sa Hanoi, Vietnam.
Ang dalawa ay sasamahan ng pinaghalong veterans at cadets kung saan kabilang sina PBA cagers June Mar Fajardo, Moala Tautuaa, Troy Rosario, Matthew Wright, RR Pogoy, Kib Montalbo, Isaac Go, at Kevin Alas sa roster na gagabayan ni head coach Chot Reyes.
Ang iba pang bumubuo sa lineup ay sina young guns Lebron Lopez at Wil Navarro.
Samantala, ang Gilas Pilipinas 3×3 ay binubuo nina Marvin Hayes, Brandon Ganuelas-Rosser, Reymar Caduyac at Jorey Napoles, na pawang bahagi ng Limitless Appmasters.
Sa women’s side, ang lineup ay pangungunahan nina mainstays Clare Castro, Ella Fajardo, Afril Bernardino, Andrea Tongco, Angelica Marie Surada, Janine Pontejos, Camille Clarin, Khate Castillo, at Chack Cabinbin.
Kabilang din sa koponan sina Filipino-Americans Gabi Bade at Stefanie Berberabe para sa kanilang national team debuts.
Ang lahat ng apat na national basketball teams ay naghahangad na maduplika ang tagumpay sa 2019 SEA Games kung saan nadominahan nila ang 5-on-5 at 3×3 events kapwa sa men’s at women’s divisions.