MAY P2.5 billion na halaga ng assets ng pamahalaan ang nakatakdang isapribado ngayong taon, ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno.
Ani Diokno, ang kikitain mula sa pagbebenta ay makatutulong sa pagpopondo sa priority projects ng gobyerno.
May kabuuang 143 state assets ang tinukoy ng Department of Finance (DOF) para ibenta.
“The aggressive disposition of non-performing assets will provide much-needed revenues for priority projects. It will also clear the National Government’s books of stagnant assets,” sabi ni Diokno.
Ayon sa DOF chief, mula 2019 hanggang 2021, ang total sales ay umabot lamang sa P664 million.
Aniya, sa unang anim na buwan ng bagong administrasyon ay pinayagan ng Privatization Council ang final sale ng P800 million halaga ng assets.
Dagdag pa ni Diokno, noon lamang nakaraang linggo ay inaprubahan ng council ang pagbebenta ng anim na ari-arian na may kabuuann halaga na P152.8 million.