ISANG kilabot na miyembro ng Lappay Kidnap for Ransom Group ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police -Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) sa isinagawang law enforcement operation sa Las Piñas City.
Ayon kay PNP-AKG Chief Brig.Gen. Jonnel Estomo, bandang alas- 3:50 kamakalawa ng hapon nadakip ng kanyang mga tauhan sa pamumuno ni PNP-AKG Luzon Field Unit chief P/Col Villaflor Bannawan ang suspek na si Elpidio Escubido Edusma sa St Vincent St., St Joseph Subdivision., Pulang Lupa, Las Piñas City.
Inaresto si Edusma sa bisa ng warrant of arrest sa kasong kidnapping for ransom na inisyu ni Hon. Ethelwolda Jaravata, Presiding Judge of RTC Branch 32, ng 1st Judicial Region, Agoo, La Union at walang piyansang inirekomenda.
Ayon kay PNP-AKG spokesman Major Ronald Lumactod, ang akusado ay hard core member ng kilabot na Lappay KFRG na kumikilos sa Region 1 simula taong 2014.
Isa sa mga biktima ng grupo ang isang prominent businessman na kinilalang si Engr Ricky Accay na dinukot noong Hunyo 30, 2014.
Pinalaya lamang ang biktima matapos na magbayad ng P700,000.00 mula sa hinihinging P5 milyon.
Kasalukuyang nakakulong ang akusado para sa booking procedures and tactical interrogation bago ibalik ang warrant of arrest sa nag-isyung korte . VERLIN RUIZ
Comments are closed.