“WE ARE meeting everyday to plan for BBM’s assassination. Get ready,” ang post na ito sa Tiktok ang dahilan para magsagawa ng malalimang imbestigasyon ang Department of Justice ukol umano sa planong pagpatay kay aspiring president Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Sa isang mensahe na ipinadala sa Law Enforcement Outreach Trust and Safety ng Tiktok, hiniling ni Atty. Charito Zamora, officer-in-charge ng DoJ’s cybercrime group, sa naturang social media platform “to preserve the data related to the subject account while the Philippine authorities are working on the legal process for its disclosure.”
Ayon kay Zamora, tinatrabaho na ngayon ng opisin ni Kerri Woods ng Tiktok Law Enforcement Outreach ang naturang request ng mga imbestigador ng DoJ cybercrime office.
Lumiham din ang DoJ cybercrime probers sa kanilang counterpart sa National Bureau of Investigation at Philippine National Police para tulungan silang imbestigahan ang naturang ’kill plot’ at kung sino ang mga nasa likod nito.
“An initial open source probe was conducted on the subject TikTok account with Uniform Source Locator (URL) https:/www.tiktok.com/@ljluna7 which initially revealed as a public account supporting xxx,” ayon sa liham ni Zamora sa NBI at PNP cybercrime groups nitong Enero 28, 2022. .
Ayon kay Zamora, nadiskubre nila ang planong pagpatay kay BBM, na siyang nangungunang presidential aspirant, matapos makatanggap ng tip ang kanilang tanggapan. “It was a tip that a TikTok post is circulating with a message to kill BBM,” ani Zamora
“As a matter of procedure, we immediately proceed in having it investigated because of the seriousness of the subject. It’s really an actionable intelligence concern,” paliwanag ni Zamora na tumangging magdagdag pa ng detalye ukol sa naturang ‘kill plot.’
Sa isang pahayag na ipinalabas ngayon, Enero 30, sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at tagapagsalita ni BBM na “while the report on the assassination plot is concerning, we will not cower by such threat. Bongbong shall continue to personally deliver his message around the country with firm resolve to unify the nation.”
“We commend the cybercrime office of the Justice department, through Sec. Menardo Guevarra, for its swift and uncompromising response to uncover those behind this open threat to harm aspiring president Bongbong Marcos,” ani Rodriguez.