CAMARINES SUR- MAKARAAN ang walong araw na pagpaslang, naaresto sa checkpoint ang umano’y killer ni General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote sa Barangay Cabasag, Del Gallego.
Sa ulat, alas-9:30 ng umaga kahapon ay pinara ng grupo ni SPO4 Agusto Adulta ng Del Gallego Municipal Police Station ang isang Toyota Avanza na may lost plate number PGQ 134 na minamaneho ni Florencio Suarez, 48-anyos, kasama si Robert Guacay, 35-anyos, sa nasabing lugar.
Narekober sa nasabing sasakyan ang cal. 45 sa bandang kaliwang bahagi ng driver’s seat.
Samantala, nilinaw ni PNP-Regional Director 5, Chief Supt. Arnel Escobal na tanging si Suarez lamang ang suspek sa pamamaslang sa alkalde.
Habang patuloy pang bineberipika kung sadyang may kinalaman ni Suarez sa pagpaslang kay Bote noong Hulyo 3.
Noong Martes ng umaga ay inilibing na si Bote habang nanindigan si PNP Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde na mayroon na silang good lead sa pagpaslang sa alkalde na nagtamo ng 18 punglo sa katawan sa tapat ng tanggapan ng National Irrigation Authority sa Cabanatuan City. MARY ROSE AGAPITO-OJT
Comments are closed.