(ni CS SALUD)
MAHILIG maglaro ang mga bata. Kahit pa galing sila sa school, pagdating sa bahay ay naglalaro pa rin ang mga ito. Hindi nga naman maihihiwalay sa mga bata ang kahiligan nilang maglaro. Hindi mo rin sila mapipigil sa nais o hilig nila.
Bilang magulang, isa rin naman sa dapat nating siguraduhin ay ang paglalaan ng panahon sa ating mga anak. Abala ang marami sa atin sa pagtatra-baho at pag-aasikaso ng mga pangangailangan ng pamilya. Pero sa kabila ng ating kaabalahan, mahalagang tinitiyak nating may panahon tayo sa ating mga anak. Sa pagbibigay kasi ng panahon sa mga anak ay napapalapit sila sa atin. Nalalaman din natin ang kanilang mga nararamdaman. Sa pamamagi-tan din ng pagbibigay natin ng panahon sa ating mga anak ay naipadarama natin ang pagmamahal natin sa kanila.
At kung panahon lang din sa anak ang pag-uusapan,maraming fun games o nakatutuwang activities na maaari nating subukan. Ilan nga rito ay ang mga sumusunod:
SCAVENGER HUNT
Isa nga naman sa kinatutuwaang laro o activity ng mga bata ang scavenger hunt.
Bukod nga naman kasi sa exciting ang paghahanap ng mga bagay-bagay o laruan ay natuturuan pa nito ang mga batang maging pasensyoso.
Kaya naman, kung nais mong mag-enjoy ang inyong mga anak ay subukan na ang scavenger hunt. Swak na swak nga naman ang scavenger hunt hindi lamang sa mga bata kahit na sa matatanda.
OBSTACLE COURSE
Isa pa sa kinahihiligan ngayon ng mga tsikiting ang obstacle courses. Challenging nga naman ito. Mapaiisip din ang mga bata kung paano nila mala-lampasan ang mga obstacle. Napakahilig din ng mga batang magtatakbo.
Para naman hindi mahirapan ang mga bata, i-adjust ang course sa edad ng iyong anak o ng mga bata.
SCIENCE EXPERIMENT
Hindi lamang matatanda ang nahihilig mag-eksperimento. Sa panahon ngayon, maging ang bagets ay ginagawa na ito. Sa mga eksperimento nga lang na kanilang gagawin, dapat ay may kasama o gumagabay na mas matanda.
Kung mahilig sa mga experiment ang anak, swak na swak gawin ang activity na ito. Bukod sa may matututunan pa ang iyong anak ay mag-e-enjoy pa kayo.
Marami rin namang mabibiling mga chemistry kit sa book store o pamilihan. Piliin lang din ang mga experiment na safe gawin sa bahay.
MAG-BAKE O GUMAWA NG SNACK ARTS
Isa rin sa maituturing na activity na kinahihiligan at kinatutuwaan ng mga bata ang pagbe-bake o pagluluto.
Mas mainam din kung habang bata pa ang mga anak ay natuturuan na sila kung paano ang magluto nang sa paglaki nila, hindi na sila mahihirapan.
Kaya’t isang activity na swak sa buong pamilya ang pagbe-bake o kaya naman ang paggawa ng snack arts.
PENCIL AND PAPER GAMES
Marami tayong puwedeng gawin kasama ang ating mga anak. Pero mas masaya kung ang activity na maiisip natin ay kakukuhaan nila ng aral o may matututunan sila. Kaya naman, isa sa magandang bonding ay ang pencil and paper games. Puwede mong pahulaan sa anak mo ang isusulat mo o igug-uhit mo. Puwede rin namang paunahan kayong makapagsulat ng mga salita, pangalan o lugar na nagsisimula sa naiisip ninyong letra. Magandang bond-ing ito at nahahasa pa ang kaalaman ng inyong mga anak.
CARD GAMES AND PUZZLES
Isa rin sa maganda at kinahihiligan ng maraming bata ang card games. Magandang laro ito para ma-challenge ang isipan ng ating mga anak. Magan-dang paraan din ito para makapag-isip sila ng mabilis at matandaan ang kahit na maliliit na detalye.
Kung may, pencil and paper at card games, hindi rin magpapahuli ang puzzles. Dito lumalabas ang pagiging creative ng ating anak. Bukod din sa card at puzzle games, mainam ding subukan ang word games.
Masaya itong laruin kaya’t tiyak na mag-e-enjoy kayong gawin ito.
STORY GAMES O STORY TELLING
Isa rin sa magandang gawin ay ang pagbabasa ng mga story. Sa ganitong paraan, mailalapit mo na ang anak mo sa libro at pagbabasa, mahahasa mo pa ang kaalaman niya sa pagtanda ng mga bagay o narinig niya. At sa tuwing matatapos kang magbasa, dapat ay may nakahanda kang mga tanong tungkol sa binasa mong kuwento at kailangang masagutan nila iyon. Tanungin mo rin sila kung ano ang masasabi nila sa pagkakasulat o ang pagkakasa-laysay ng kuwento. Fun na, matututo pa ang ating mga anak.
CHESS AT SCRABBLE
Isa pa sa strategy games na puwede nating gawin ay ang chess. Isa pa ito sa nakapagpapahasa ng kaalaman. Hindi nga naman simple ang larong ito dahil kailangan mong gamitan ng utak.
Kaya, isama ito sa kinahihiligan ninyong gawin. Isa rin ang scrabble sa nakatutuwang gawin. Kailangan nga naman kasing mag-isip ng ating mga anak ng salita.
Isang magandang paraan ito para tumalas ang kanilang isipan at maging pamilyar sila sa maraming salita.
Napakarami nating puwedeng gawing activity kasama ang ating mga anak.
Magkakapag-bonding na kayo, matututo pa sila. Kaya naman, kung nag-iisip ng mga fun o masasayang activity kasama ang anak, subukan na ang mga ibinahagi namin sa inyo. (photo credits: Google)
Comments are closed.