(Ni CT SARIGUMBA)
MARAMI tayong pagkaing kinahihiligan. Sa hilig nga namang kumain ng mga Filipino, hindi rin mabilang ang recipeng ating naiimbento. Bawat okasyon din ay mayroon tayong espesyal na inihahanda para sa buong pamilya, gayundin sa mga darating na bisita.
Kapag All Saints’ Day rin ay nakaugalian na ng maraming pamilya ang maghanda ng masasarap na putahe. Ito rin ang panahon kung kaya’t inaabangan ng bawat miyembro ng pamilya ang kakaiba at walang kasing sarap na mga ihahanda sa naturang pagkakataon.
At dahil isa nga naman ang pagkain sa masasabi nating nagiging daan upang magbuklod-buklod ang magkakapamilya, magkakaibigan o magka-katrabaho, narito ang ilan sa mga laging inihahanda o matitikman kapag All Saints’ Day:
SPECIAL PUTO AT KUTSINTA
Sa kahit nga naman anong handaan, lagi nating makikita’t matitikman ang kakaibang sarap ng puto at kutsinta. Lagi ring kapares ng puto ang dinu-guan samantalang ang kutsinta naman, lalong sumasarap kapag may kasamang kinayod na niyog.
Isa ring tradisyunal na pagkain ang kutsinta at napakadali lang lutuin. Mabibili rin kahit saan ang puto at kutsinta.
SUMAN
Isa pa sa native na kakainin na napakasarap ay ang suman. Mayroon ding iba’t ibang klase ng suman ang bawat lugar. Halimbawa na lang ang Pan-gasinan at Ilocos Norte na kung tawagin ay tupig. Sa Bulacan naman, mayroon silang suman pinipig. Suman sa Lihiya naman ang tawag sa klase ng suman sa Laguna at Cavite. Pinaka-common naman na klase ng suman ay ang suman sa ibos. Mayroon ding suman na gawa sa cassava.
BIKO
Isa pa ang biko sa talaga namang napakasarap kainin. Kapag sinimulan mo nga naman itong lantakan, halos ayaw mo nang tigilan. Masarap din ito kapag may ka-partner na kape.
Ang biko ay isang rice cake na may toppings na latik.
Isa rin ang biko sa mga pagkaing inihahanda sa lahat ng okasyon, gaya na nga lang kapag All Saints’ Day.
At sa mga nag-iisip na subukan ang pagluluto nito ngayong All Saints’ Day, ang mga kakailanganin sa paggawa ay ang dahon ng saging (cleaned and softened), 2 tasa ng malagkit, 2 tasa ng tubig, 2 tasa ng gata coconut cream o gata, 2 tasa ng dark brown sugar, 1 kutsaritang asin, gated coconut para sa toppings at latik.
PARAAN NG PAGLULUTO
Ihanda ang lahat ng mga kakailanganing sangkap. Pagkatapos ay pahiran ng coconut oil o butter ang dahon ng saging.
Ilagay ang tubig at malagkit sa rice cooker. Lutuin ito. Huwag masyadong palalambutin o lulutuin ang malagkit.
Pagkatapos ay ilagay sa isang lutuan ang coconut milk o gata, asukal at asin at saka pakuluin sa medium heat. Kapag kumulo na, hinaan na ang apoy. Hayaang kumulo sa loob ng 15 minuto o hanggang sa matunaw ang asukal.
Pagkatapos ay isama na rin ang malagkit o rice. Haluin hanggang sa ma-absorb ng rice ang coconut milk o hanggang sa maluto ang malagkit.
Bago ihanda o pagsaluhan ay lagyan sa ibabaw ng grated coconut o coconut curds.
Maaari itong ihanda ng mainit o malamig.
Ilan nga lang naman ang mga nabanggit sa madalas nating matitikman o inihahanda kapag may okasyon, gaya na nga lang kapag All Saints’ Day.
Ngunit ano’t ano pa man ang ihahandang putahe, mas lalo itong nagiging espesyal kapag kasalo ang mga mahal sa buhay. (photos mula sa haven-hillcuisine.com, yummy.ph at nathaniels.com.ph)
Comments are closed.