MALAKING factor sa pagsikat nina Nadine Lustre at James Reid ang kanilang tambalan. Dagdag pa rito ang naging sila sa tunay na buhay. Pero kung dati-rati ay laging nakasunod si Nadine kay James, ngayon, tuluyan na itong itsapwera.
Sa interview sa kanya kaugnay ng pelikulang “Greed” na magsisimulang mag-stream sa March 16 via Vivamax Plus, hindi man lamang niya nabanggit ang ex-boyfriend. Marami siyang sinabi pero wala kahit ano yungkol kay James.
Ang tanong, matapos makipagkasuhan sa Viva at matalo eventually, babalik kaya ang sigla ng kanyang career?
CHRISTINE BERMAS ALL OUT SA LAUNCHING MOVIE
HINDI pa man naipapalabas ang pelikula ni Christine Bermas na ‘Huling Birheng Bakla sa Balat-Lupa’ kung saan isa siya sa mga support cast, heto, ilalabas na ang launching movie niyang ‘Moonlight Butterfly,” na ang leading man ay sina Kit Thompson at Alvie Casino. Streaming ito starting March 28 sa Vivamax.
Parehong palaban din sa sexy scenes ang sina Kit at Albie ayon kay direk Joel Lamangan. Wala raw inhibitions ang dalawa basta hinihingi ng script.
Si Christine naman, bumigay din daw ng todo dahil launching movie niya ito.
“Yes, it’s daring, but more than the sexy scenes, the story is really good as it’s also about love for family and love for one’s country,” say naman ni Christine.
“Pinasok ko ito, alangan namang sa shooting, mag-inarte pa ako,” ang dagdag na say pa ni Christine.