MAAARI nang makatanggap ng cash assistance sa pamamagitan ng pag-a-apply sa Employees‘ Compensation Commission (ECC) ang mga empleyadong tinamaan ng COVID-19.
Ayon sa ECC, maaaring ipadala ang mga aplikasyon at iba pang dokumento sa pamamagitan ng courier services.
Ang cash assistance program ay benepisyo ng ECC na kadalasang nagkakahalaga ng P10,000 hanggang P15,000 sakaling magkasakit o mamatay ang isang empleyado.
Maaaring ipadala ng mga aplikante ang kanilang proof of approved EC claim mula sa Social Security System o government service insurance system, accomplished cash assistance form at kopya ng dalawang government issued ID.
Kabilang din sa requirements ang kahit anong medical o quarantine certificate tulad ng RT-PCR positive test result at rapid antigen test result na may medical certificate. DWIZ 882
31188 518033Its essential to have having access to the knowledge posted here 106116