Standings:
W L
NLEX 7 1
TNT 7 1
Meralco 5 2
Brgy. Ginebra 5 2
San Miguel 5 3
Magnolia 4 4
Columbian 4 5
NorthPort 3 4
Phoenix 2 6
Alaska 2 6
Rain or Shine 2 7
Blackwater 2 7
Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – Alaska vs NorthPort
6:45 p.m. – Ginebra vs Meralco
MATAPOS ang tatlong araw na pahinga para bigyang-daan ang paggunita sa All Saints’ Day at All Souls’ Day, magbabalik ang aksiyon sa PBA Governor’s Cup ngayon sa Araneta Coliseum.
Kakalasin ng Barangay Ginebra at ng Meralco ang taling nag-uugnay sa kanila sa tampok na laro sa alas-6:45 ng gabi habang magsasagupa ang Alaska at NorthPort sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon.
Ang Kings at Bolts ay kapwa may 5-2 kartada at ang magwawagi sa dalawang koponan ay didikit sa magkasosyo sa liderato at pasok na sa quarterfinals na NLEX at Talk ‘N Text na may 7-1 marka.
Target naman ng Batang Pier ang ika-4 na panalo sa walong laro kontra Aces na may 2-7 rekord.
Haharapin ng Barangay Ginebra ang Meralco na mataas ang morale sa panalo sa Blackwater at tiyak na gagamitin ito ni coach Tim Cone para umakyat sa ikatlong puwesto.
Walang pinapaboran sa Kings at Bolts at ang kanilang kapalaran ay nakasalalay sa kanilang mga import na sina Justine Brownlee at Justin Durham, at muling masusubukan kung sino kina coach Cone at Norman Black ang mas mahusay na bench tactician.
Tinalo ni Cone si Black sa huli nilang paghaharap kung saan pinayuko ng Barangay Ginebra ang Meralco, 110-95, sa Commissioner’s Cup na napanalunan ng San Miguel Beer.
Bahagyang nakalalamang ang Kings sa low post dahil kina Japeth Aguilar at Greg Slaughter. Para masiguro ang panalo, kailangang maglaro nang husto ang twin towers dahil sa sandaling magpabaya at magkumpiyansa ay may kalalagyan ang Kings.
Ang deadly trio nina LA Tenorio, Scottie Thompson at Stanley Pringle at si three-point specialist Jeff Chan ang first line of offense ng Baran-gay Ginebra laban kina Chris Newsome, Cliff Hodge, Baser Amer, Antonio Jose Caram at John Pinto.
Humina ang opensa ng NorthPort sa paglipat ni Pringle sa Barangay Ginebra kapalit nina Kevin Ferrer at Jervy Cruz sa 2 and 1 trade. CLYDE MARIANO
Comments are closed.