KINGS SISIMULAN ANG TITLE DEFENSE VS FIBERXERS

DUMAKDAK si NLEX import Thomas Robinson sa kanilang laro kontra San Miguel sa PBA Commissioners’s Cup noong Miyerkoles sa Ynares Center-Antipolo. PBA PHOTO

Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
4 p.m. – Magnolia vs NorthPort
8 p.m. – Ginebra vs Converge

SISIMULAN na ng Barangay Ginebra ang kanilang title-retention campaign sa PBA Commissioner’s Cup sa pagharap sa Converge ngayong Biyernes sa Araneta Coliseum.

Ang pina­ka­matagumpay na koponan noong nakaraang season na may dalawang finals at isang championship sa midseason tourney, ang Gin Kings ay sasalang sa aksiyon sa alas-8 ng gabi kontra Converge.

Ibinabalik ng Ginebra ang kanilang champion roster kasama si free agent recruit Maverick Ahanmisi subalit maglalaro na wala si resident champion import Justin Brownlee, na nahaharap sa kawalan ng katiyakan sa gitna ng kanyang doping test result sa nakalipas na Asian Games.

Sa halip ay makakasama ng Kings si Tony Bishop, isa pang high-caliber import na pinangunahan ang Meralco Bolts sa runner-up finish sa Gin Kings sa 2021 Governors’ Cup.

“Guys can’t wait to start playing in the PBA again,” sabi ni Ginebra coach Tim Cone na ang main guys ay hindi kasama ng koponan sa loob ng mahigit anim na buwan matapos ang kanilang second-place showing sa nakalipas na Governors‘ Cup na pinagharian ng TNT Tropang Giga.

Sina Scottie Thompson, Japeth Aguilar at Jamie Malonzo ay kasama ni Cone sa Gilas Pilipinas, kung kaya naiwan ang ibang players sa ilalim ng patnubay ni assistant coach Richard del Rosario sa preseason On Tour series.

Pinagpahinga din muna sina Christian Standhardinger at Stanley Pringles noong mga panahong iyon.

Mula sa maikling pahinga makaraang gabayan ang Gilas sa makasaysayang kampanya sa Hangzhou Games, muling binuo ni Cone ang koponan sa isang camp sa Inspire Sports Academy para sa kanilang Season 48 buildup,

“I’m excited to be back,” sabi ni Cone.

“We’re a process and system-oriented team. We take it day-by-day, working hard to get better. That’s our focus but our goal is always to win the championship,” aniya.

Kabilang din sa roster ng Ginebra sina Von Pessumal, Christian, Stanley Pringle, Jared Dillinger, Nards Pinto, Sidney Onwubere, Jayson David, Raymond Aguilar, at rookies Ralph Cu at Don Gumaru.

Balik na rin sa Ginebra si LA Tenorio na lalaro na sa Disyembre.

Sa unang laro sa alas-4 ng hapon ay magsasalpukan ang unbeaten teams Magnolia at NorthPort.

Target ng Hotshots at Batang Pier ang 3-0 record at ang liderato.

CLYDE MARIANO