Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m.- Columbian vs NLEX
6:45 p.m.- SMB vs Talk ‘N Text
HINIYA ng Elasto Painters ang Barangay Ginebra, 83-80, sa PBA Philippine Cup kagabi sa Calasiao Sports Complex sa Pangasinan.
Naging matatag ang Rain or Shine sa fourth quarter upang iposte ang ikalawang sunod na panalo.
Umangat ang Elasto Painters sa 2-0 kartada habang nalasap ng Gin Kings ang ikalawang sunod na pagkatalo para mahulog sa 1-2 marka.
Nanguna sina Mark Borboran at Norbert Torres para sa ROS na may tig-12 point habang nagdagdag si Maverick Ahanmisi ng 11 at gumawa sina James Yap at Beau Belga ng tig-9 points.
Limang players naman ng Ginebra ang nagtala ng double figures, sa pangunguna ng 19 mula kay Japeth Aguilar subalit hindi ito sapat para maagaw ang panalo.
Samantala, maghaharap ang San Miguel Beet at ang Talk ‘N Text, habang magtutuos ang Columbian at NLEX sa pagbabalik ng aksiyon sa Araneta Coliseum.
Magsasagupa ang Beermen at Texters sa ala-6:45 ng gabi matapos ang duelo sa pagitan ng Dyip at Road Warriors.
Mataas ang morale ng Columbian makaraang talunin ang dating wala talong NorthPort sa Ynares Center sa Antipolo noong Biyernes. CLYDE MARIANO
Iskor:
RAIN OR SHINE (83) – Torres 12, Borboran 12, Ahanmisi 11, Yap 9, Belga 9, Norwood 6, Daquioag 6, Maiquez 6, Nambatac 6, Mocon 3, Rosales 2, Ponferada 1.
BARANGAY GINEBRA (80) – Aguilar 19, Slaughter 15, Tenorio 12, Thompson 12, Devance 10, Mariano 6, Dela Cruz 6, Mercado 0, Caperal 0, Ferrer 0, Teodoro 0.
Quarters: 20-19, 39-38, 60-63, 83-80.
Comments are closed.