KITA NG PCSO NOONG ABRIL SUMAMPA SA P20.8-B

MANDALUYONG – SUMAMPA na sa P20.8 billion ang kita ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa kanilang Lotto, Small Town Lottery (STL), at iba pang product sa loob ng apat na buwan at umabot sa 29.30 percent ang itinaas kumpara sa kaparehong panahon noong 2017.

“Our STL earnings are unprecedented for a total of P7.8 billion from January to April with an increase of 101 percent from the same period last year. Of course, Lotto including Digit Games are still at the forefront with P10 billion and Keno at P1.8 billion. The Instant Sweepstakes also rose to P727 million,” masayang ibinida ni PCSO Gen. Manager Alexander Balutan sa PILIPINO Mirror.

Gayunman, sa datos ng PCSO, bagaman ­umabot na sa P10 billion ang sales ng Lotto at digit games mula Enero hanggang Abril,  mas maliit ito ng 5.08 percent kumpara sa kaparehong panahon habang ang Keno ay may pag-angat ng 12.48 percent.

Sa mismong buwan ng Abril, ang Lotto ay kumita ng P2.3 billion, o 0.22 percent increase mula sa kaparehong panahon noong 2017.

“’Yung lotto games kasi are jackpot-driven sales. Ina-associate kasi natin ‘yan sa jackpot prize natin. Kapag mataas ang jackpot natin, malaki din ‘yung nagiging sales. Tapos meron din tayong three days na walang sales nung Holy Week kaya apektado talaga ang Lotto sales,” paliwanag ni Balutan.

Sa STL naman aniya, kumita lamang ito ng P1.9 billion sa katatapos na buwan na mas mahina kumpara noong Marso na may P2 billion.

Ipinagpalagay naman na ang termination ng tatlo nilang Authorized Agent Corporations (AACs) ang sanhi ng bahagyang pagliit ng kanilang kita sa STL.

“From 84, we now have 81 STL operators. We have just terminated three Authorized Agent Corporations (AACs) recently due to repeated violations of the STL-Implementing Rules and Regulations (IRR),” ayon kay  Balutan.

Binuksan naman ng PCSO board ang kanilang STL application para mapalitan ang nawalang tatlo. EUNICE C.

 

Comments are closed.