KITA NG PCSO SUMAMPA SA P25.8-B SA LOOB NG 5 BUWAN

MANDALUYONG CITY – UMABOT sa P25 bilyon ang kita ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa loob lamang ng limang buwan o mula Enero hanggang Mayo ngayong taon.

Ayon kay (PCSO) General Manager Alexander Balutan, sa nasabing halaga, P9.7 bilyon ay mula sa Small Town Lottery (STL)  na may increase ng 93.94 porsiyento na kita mula sa kaparehong panahon noong 2017.

“Our STL earnings has reached P9,735,591,124.03 billion from January to May 2018,” ayon pa kay Balutan.

Paliwanag pa ni Balutan, ang lotto at iba pang digit games ang nangungunang nag-increase ang sales na may P12.5 billion sales habang ang  Keno ay may P2.3 billion sales, at ang Instant Sweepstakes ay kumita ng  P727 million sales.

Noong 2017, nagbuwis ang PCSO ng P7.797 billion at ngayong taon ay P3.5 Billion ang kanilang tax.

Tumaas naman ang sales sa STL noong 2017 na mayroong P15.7 na mas malaki ng 142.68 porsiyento kompara noong 2016.

Aabot naman sa 415,465 katao ang natulungan ng Individual Medical Assistance Program (IMAP) na binuhusan ng P8.086 billion.

Sa record, mula Enero hanggang Mayo ngayong taon ng 2018, mayroo nang 154,000 IMAP beneficiaries ang PCSO kung saan ang nagamit na pondo ay mahigit P3 billion.           EC

 

Comments are closed.