KNIGHTS UNGOS SA ALTAS SA OT

Letran

Mga laro sa Martes:

(Filoil Flying V Centre)

12 noon – JRU vs Perpetual (Men)

2 p.m. – LPU vs SSC-R (Men)

4 p.m. – Letran vs EAC (Men)

NALUSUTAN ng Letran ang University of Perpetual Help System Dalta sa overtime para sa kanilang ikatlong sunod na panalo, habang naibalik ng Lyceum of the Philippines University ang kanilang winning ways sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.

Naipasok nina Ato Ular at Jeo Ambohot ang pinakamalaking baskets sa extra time nang maungusan ng Knights ang Altas, 82-80, upang maipagpatuloy ang pagbangon mula sa season-opening loss sa Pirates.

Matapos ang shock loss sa Emilio Aguinaldo College noong nakaraang linggo, bumawi ang LPU sa pamamagitan ng 79-71 pagbasura sa Mapua.

May 3-1 kartada sa fourth spot, nanatiling nakadikit ang Letran sa defending champion San Beda (3-0), San Sebastian (2-0) at College of Saint Benilde (2-0).

Kumana si  Agem Miranda ng 26 points, kabilang ang corner three sa huling  1.7 segundo na naghatid sa Jose Rizal University sa 80-77 panalo laban sa Arellano University upang makapasok sa win column matapos ang tatlong sunod na talo.

Hindi nawawalan ng sagot ang 6-foot-4 na si Ular, na bumagsak sa Team B sa dalawang seasons bago nakabalik sa regular roster ngayong taon, sa bawat basket ni Jielo Razon, na nagbigay sa Letran ng 79-78 kalamangan, may 44.9 se­gundo ang nalalabi.

Matapos ang lay-up ni Edgar Charcos na nagbigay sa Altas ng 80-79 bentahe, umiskor si Ambohot ng tip-in mula sa kanyang sariling mintis para sa Knights upang mabawi ang trangko.

Nakagawa ng turn­over si Charcos sa sumunod na possession bago na-split ni Bonbon Batiller ang kanyang charities para sa two-point lead ng Letran lead.

Tinangka ng Perpetual Help na ihatid ang laro sa isa pang extension sa huling 4.6 se­gundo, subalit sumablay si Razon sa side jumpe.

Iskor:

Unang laro:

Letran (82) – Batiller 22, Ular 19, Muyang 10, Ambohot 9, Balanza 9, Caralipio 5, Sangalang 5, Yu 2, Olivario 1, Mina 0, Reyson 0, Pambid 0, Javillonar 0.

Perpetual (80) – Charcos 15, Peralta 14, Sese 13, Adamos 12, Aurin 11, Razon 11, Sevilla 2, Egan 2, Lanoy 0, Tamayo 0, Giussani 0, Barasi 0, Cuevas 0.

QS: 11-17, 33-30, 56-48, 70-70, 82-80

Ikalawang laro:

LPU (79) – Marcelino JC. 14, Tansingco 14, Caduyac 12, Santos 11, David 10, Marcelino JV. 5, Navarro 5, Valdez 4, Ibañez 2, Yong 2, Pretta 0.

Mapua (71) – Hernandez 19, Gonzales 16, Buñag 7, Bonifacio 6, Serrano 6, Lugo 5, Nocum 5, Victoria 3, Aguirre 3, Gamboa 1, Salenga 0, Garcia 0, Nieles 0, Jabel 0.

QS: 29-21, 47-40, 61-57, 79-71

Ikatlong laro

JRU (80) – Miranda 26, Steinl 14, Amores 11, Dionisio 10, Delos Santos 7, Dela Rosa 3, Jungco 3, Aguilar 3, Vasquez 3, Arenal 0, Abaoag 0.

Arellano (77) – Alcoriza 21, Salado 16, Bayla 15, Arana 12, Sablan 8, Concepcion 5, Santos 0, Gayosa 0, Oliva 0, Talampas 0, Espiritu 0, De Guzman 0, Segura 0, Sacramento 0.

QS: 8-22, 34-37, 56-61, 80-77

Comments are closed.