NEW YORK — Nakumpleto ni Ko Jin-young ng South Korea ang wire-to-wire victory upang maidepensa ang kanyang LPGA Founders Cup title at mapantayan ang record ni Annika Sorenstam para sa magkasunod na sub-70 rounds.
Humataw si world number two Ko ng five-under par 66 upang tumapos sa 18-under 266 matapos ang 72 holes sa Mountain Ridge Country Club sa West Caldwell, New Jersey.
“I tried to do my best this week and I did,” sabi ni Ko.
Nagkasya si Carolina Masson ng Germany sa ikalawang puwesto sa 270 matapos ang closing 64, habang nalusutan ni Elizabeth Szokol (69) ang double bogey-bogey sa fourth at fifth holes upang kunin ang ikatlong puwesto sa 11 under.
Nagsalo sina Jeongeun Lee6 ng South Korea (67) at Yuka Saso ng Pilipinas (70) sa ikaapat na puwesto sa 10 under.
Nakopo ni Ko, napantayan ang kanyang LPGA career-low round na may opening 63, ang kanyang ika-10 career LPGA title at ikatlo ngayong taon makaraang madominahan ang Volunteers of America Classic noong Hulyo at ang Portland Classic noong nakaraang buwan.
Isang linggo makaraang magkasya sa runner-up finish sa LPGA ShopRite Classic, si Ko ay naging ika-5 South Korean player na nagtamo ng double-digit LPGA titles.
“I was really sad last week. Last week on Sunday wasn’t good play,” ani Ko. “It was very different today. The back nine this week, it was huge.”
Ang tanging major titles ni Ko ay naganap noong 2019 nang makopo niya ang ANA Inspiration at ang Evian Championship sa France.
Sisikapin ng 26-anyos mula sa Seoul na basagin ang pagtatabla sa pagsabak sa BMW Ladies Championship sa Busan, South Korea sa Oktubre 21.
“I’m going to go back to Korea,” aniya. “I still have a chance to beat Annika. I will try and do my best.”
862472 124950You made some decent factors there. I looked on the internet for the difficulty and found most individuals will go along with together with your site. 872962
217458 393893Its great as your other posts : D, appreciate it for putting up. 509858