KOLEKSIYON NG BIR, BOC BUMAGSAK DAHIL SA COVID-19

BIR-BOC

MALAKI ang ibinaba ng pinagsamang koleksiyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) sa unang limang buwan ng taon dahil sa COVID-19, ayon sa  Department of Finance (DOF).

Ang revenue collections ng BIR at BOC ay nasa  P874.91 billion mula Enero hanggang Mayo, mas mababa ng 24.83% o P289.06 billion kumpara sa lP1.164 trillion na nakolekta sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ang pinagsamang koleksiyon ng dalawang ahensiya ay kapos din sa target nito na P1.062 trillion para sa natu­rang mga buwan o 17.65% shortfall.

Ang BIR collections mula Enero 1 hanggang Mayo 31 ay umabot lamang sa P664.74 billion, mas mababa ng 27.13% o P247.53 billion kumpara sa P912.26 billion na nakolekta noong nakaraang taon.

Ang koleksiyon ng BIR sa unang limang buwan ay kapos din ng 21.7% o P184.17 billion sa P848.91 billion na target para sa nasabing panahon.

Samantala, ang koleksiyon ng BOC ay naitala sa P210.18 billion, mas mababa ng P41.54 billion o 16.5% sa P251.71 billion na nakolekta sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ang Customs collections ay kulang din ng P3.33 billion o 1.56% sa target nito na P213.51 billion para sa naturang period.

Mula  Mayo 1 hanggang Mayo 31, ang pinagsamang koleksiyon ng BIR at  BOC ay nagkakahalaga ng P135.45 billion, mas mababa sa P263.64 billion na koleksiyon sa kaparehong buwan noong 2019.

“The May collection of both tax agencies is short by P218.35 billion or 61.72% compared to the P353.8-billion combined for that month,” ayon sa DOF.

Comments are closed.