UNTI-UNTING gumaganda ang ekonomiya ng bansa dahil sa pagbuti ng sistema ng pangongolekta ng buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC).
Ayon sa Develomnent Budget Coordinating Committee (DBCC), gumanda ang tax collections ng BIR at BOC nitong mga nakalipas na buwan.
Nakikita ng DBCC na kung hihigpitan pa ng BOC ang paglaban sa hijacking at smuggling ay magpapatuloy ang pagtaas ng koleksiyon sa Aduana.
Tanging ang dalawang collection agencies ang inaasahan ng gobyerno para matugunan ang pangangailangan sa pondo para sa pet project ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘Build Build Build‘ na natapos na ang karamihan at pinakikinabangan na ng publiko.
Kamakailan, inilabas ng Forbes magazine ang talaan ng 10 Filipino billionaires na may malaking ambag sa pagnenegosyo sa Pilipinas na siyang ugat ng gumagandang ekonomiya ng bansa.
Hindi naman nababahala ang mga economic manager ni Pangulong Digong sakaling muling ipatupad ang lockdown sa Metro Manila at mga karatig-probinsya dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant sa pagsasabing ang lahat ay magagawan ng paraan para hindi maapektuhan ang koleksiyon sa buwis ng BIR at BOC.
Ang dalawang tax collection agencies ay naatasang kumolekta ng kabuuang P2.642 trillion.
Sa nasabing kabuang halaga, P2.005 trillion ang dapat makolekta ng BIR, samantalang P637.1 billion naman ang sa BOC sa taong ito.
Paniwala ng mga tax expert, sa sandaling ganap na masugpo ang hijacking at smuggling activities sa Aduana ay mas gaganda pa ang takbo ng koleksiyon sa buwis.
Sinabi rin sa isang pag-aaral na kung mababawasan ang corruptions sa BIR ay hindi malayong makuha nila ang target tax collections sa hinaharap.
Aminado ang mga economic manager ng pamahalaan na kailangan ang totohanang paglilinis sa BIR at BOC dahil sa hindi masugpong corruptions sa nabanggit na mga tanggapan.
Majority sa mga economic manager ng gobyderno ay nagrekomenda sa Palasyo na magsagawa ng total revamp sa BIR at BOC dahil wala anilang epekto ang paulit-ulit na isinasagawang ‘reshuffle’ sa hanay ng mga opisyal dahil ang kailangan sa nakikita nila ay ang pagpapatupad ng total revamp upang ganap na matigil ang namamayaning korupsiyon sa dalawang tanggapan.
Kamakailan ay nagbanta si Presidente Duterte na ipagpapatuloy niya ang pagsibak sa mga tiwaling opisyal ng BOC at BIR.
vvv
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09293652344/ 09266481092 o mag-email sa [email protected].
744745 936298Great post, thanks so significantly for sharing. Do you happen to have an RSS feed I can subscribe to? 113879
865976 547720I enjoy what you guys are up too. Such clever function and exposure! Maintain up the very excellent works guys Ive incorporated you guys to my own blogroll. 153646
316533 916433Wow, great blog layout! How long have you been blogging for? you make blogging appear effortless. The overall appear of your web internet site is wonderful, let alone the content material! 697897
121940 514482I believe other web site owners need to take this internet site as an model, really clean and excellent user pleasant pattern . 215320