NAGPIYANSA ang batikang kolumnista-brodkaster na si Ramon Tulfo sa kasong libel at cyber libel na isinampa sa kanya ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Sa November 8 order na pirmado ni Manila Regional Trial Court Branch 12 Judge Renato Enciso, naglagak ng piyansang P60,000 si Tulfo upang makaiwas sa kulong.
Sa nasabi ring order, inutos din ni Enciso ang pagbawi sa warrant of arrest na inilabas laban kay Tulfo at sa pagtalaga ng arraignment sa Nobyembre 26, sa 8:30 ng umaga.
Nauna rito, nagsampa ng kaso si Medialdea laban sa kolumnista-broadcaster sa serye ng kolumn na inilabas sa isang broadsheet na umano’y nakasira sa kanyang malinis na pangalan.
Ang mga kolumn na ito kasama na ang inilabas noong Hulyo ay may pinamagatang “There goes Cayetano as House Speaker, also Medialdea,” kung saan inakusahan ang house speaker at executive secretary na naglabas ng memorandum na wala umanong kaalam-alam ang Pangulo, upang atasan ang lahat ng government agencies at government-owned and -controlled corporations na suportahan ang kontrobersyal na Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee Foundation; at ang July 25 na kolumn kung saan inakusahan ni Tulfo si Medialdea na inupuan ng isang taon ang apela ng isang Felicito Mejorada sa claim nito sa P272.02 milyon na government reward money.
Sinabi ni Mejorada na nagbigay siya ng tip sa pamahalaan na nagdulot umano na masawata ang planong smuggling sa Mariveles, Bataan noong 1997.
Sa July 25 column, inakusahang muli ni Tulfo si Medialdea na nasa likod umano ng isang Vianney D. Garol na humingi ng P72 milyon mula kay Mejorada bago maibigay ang reward money.
Tahasang itinanggi ni Medialdea ang mga akusasyon at sinabing wala siyang inilabas na memorandum na nagpapabor sa PHISGOC, at sinabing ang apela ni Mejorada ay naksyunan sa loob ng tatlong buwan.
Kinakaharap din ni Tulfo ang kasong libel at cyber libel mula sa ibang government officials, kasama na ang Bureau of Internal Revenue Commissioner Caesar Dulay at dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Ayon kay Dulay, foul ang sinabi ni Tulfo sa kolumn nito saan inakusahan isya na may “skeletons in the closet at the graft-ridden agency.
Sinabi naman ni Aguirre na ang sinulat ng kolumnista ay “malicious, libelous and defamatory” na inilabas pa sa Facebook posts kontra sa dating justice secretary noong April, June at July. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.